Chapter Eleven

Magsimula sa umpisa
                                    

She heaved a sigh again. "Iyong pinapadala kong pera ay naka-budget na. Sapat na iyon para sa kanila at kasama rin doon ang itinatabi nilang pera sa bangko. Iyong natitira naman sa akin, hinahati ko sa dalawa. Ang kalahati ay napupunta sa personal na ipon ko at ang kalahati ay iniipon ko rin para sa kanila."

"Why?"

"Minsan kasi masiyadong malaking pera ang kinakailangan sa mga emergency at hindi sapat iyong sila lang 'yong nag-iipon."

"So you have to give them your hard-earned money?"

She nodded. "Alam kong hindi mo ako lubos na maiintindihan. Mayaman kayo, eh. May pera kayo palagi, pero sa amin, kailangan talaga namin mag-ipon. Afford naming bumili pero minsan sobrang mahal din, mabigat sa bulsa."

"Hindi ba hassle 'yon on your part?"

"Kapag panganay ka, masasanay ka na lang."

"Well, I have an offer for you. I can offer you a full-scholarship-"

Hindi pa man natatapos ang sasabihin ko nang iwagayway niya ang kamay niya sa harap ko. "Ay, ayaw ko ng ganiyan! Gusto ko 'yong pinaghihirapan ko talaga."

"Wow, that's a bummer. . . you know, Nessa, a lot of people would be happy if they got a scholarship offer."

"Oo, alam ko 'yon, pero nakakahiya na kasi sa 'yo."

"Bakit ka naman mahihiya? Ako lang 'to." I winked and she scrunched her nose.

"Jackson, hindi sinasabi ni Nanay pero alam kong malaki na ang naitulong ng pamilya mo sa amin."

"Iba ang naitulong ni Mommy at Daddy sa inyo sa gusto kong ibigay na tulong. Nessa, I love how enthusiastic you are and I really want to help you. Consider this a friendship offering?"

Mahina siyang tumawa at umiling. "Alam mo, ang weird mo rin minsan, eh. Pero sige na nga, mapilit ka, eh."

"Are you still planning to pursue Education?"

She nodded. "Secondary Education."

"Major?"

"Uhm. . . English."

"Nice choice. Sige, after this, let's inquire sa mga paaralan na malapit lang dito."

Tinuro niya gamit ang nguso niya iyong paaralang nasa tapat namin. "'Di ba state university naman 'to? Subukan natin diyan."

"No, matigas kong sambit."

"Ha? Anong no? Huwag mong sabihing balak mo akong pag-aralin sa private college?"

"Nessa, masiyadong maraming tao diyan sa state university."

"Kahit na! Makakamura pa rin kung gano'n."

"Let's see, Nessa, but know that it's my last resort. Anyway, the second semester just started in most schools. Let's wait for a few months bago sila mag-announce ng re-opening. For the mean time, ayusin mo na ang mga dapat ayusin."

"Teka!" hinawakan niya ang kamay ko. "Paano pala sa mga entrance exams? Matagal na akong tumigil, Jack. Wala na akong tiwala sa stock knowledge ko."

"I think we can buy secondhand books online. Mayroon na rin yatang nagbebenta ng reviewers online. Bibili tayo so you could refresh your brain."

"Teka, oo nga pala. Ibabawas mo ba sa suweldo ko ang mga 'yan? Kasi kung oo, huwag muna siguro akong mag-aral."

I simply shook my head. "No, I'll shoulder all of it. Mula sa uniforms, books, miscellaneous fees, tuition fees, extra clothes, school supplies, you name it. And also, you will receive an allowance from me every month."

She still looked hesitant. "Ano'ng kapalit nito?"

"Wala naman."

"Imposible," she whispered. "Ang laki kasi ng favor na ginagawa mo."

I acted as if I was thinking. "Hmm, just reach for your dreams. Study well, Nessa. You deserve it."

Ngumiti siya. Hindi ko akalaing tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan. Lumipat siya sa tabi ko at niyakap ako. "Salamat, Jack. Tatanawin ko itong malaking utang na loob."

I patted her back. "You're welcome."

She put a distance between us. "Hindi ka magsisisi. Hindi ko rin sasayangin 'to. Pangako, Jack, mag-aaral akong mabuti."

I subtly kissed her hair. "I will be rooting for your success. Thank you for giving me the oppurtunity to help."

"Hindi ka dapat nagpapasalamat sa akin, Jack."

"So. . ." I extended my hand to her. "Friends?"

Akala ko ay tatanggapin niya ang kamay ko pero dinamba ulit niya ako ng yakap.

"Maraming salamat! Matutuwa ang nanay ko nito." lumayo siya kaunti. "Sasabihan ko siya para makuha na niya ang mga requirements na kailangan."

"Okay, do that and we'll look for your new school soon."

"Ay, may request pala ako," she said.

"Hmm? What is it?"

"Kung sa private college mo ako pag-aaralin, huwag sana sa sobrang mahal. Baka imbes na sa grades lang ako ma-pressure mas hindi ako makapg-aral dahil mas iisipin ko pa kung hindi ka nasasayangan."

I laughed and pinched her cheek. "You'll study in a good school, Nessa. Don't worry, hindi ko na sasabihin sa 'yo kung magkano ang bayarin para hindi ka ma-pressure."

She playfully punched my shoulder. "Seryoso nga kasi ako, Jackson!"

"Ako rin! Mukha ba akong joke sa 'yo?"

"Mukha kang payaso," she smiled.

"Payaso? What's that?"

Her smile grew even wider and her eyes sparkled with amuse. "Guwapo."

I proudly smiled as I ran my fingers through my hair. "I know. You know, Nessa, you don't have to remind me. Araw-araw kong nakikita ang mukha ko sa salamin."

"Yabang?"

"Nessa, look at me." Hinawakan ko ang baba niya at dahan-dahang pinaharap siya nang maayos sa akin. "With a face as handsome as mine? Dapat talagang ipagmayabang 'yan."

"Hindi nakakasakit maging humble."

"And it won't hurt to admit that I'm handsome." I rubbed the back of my hand against her cheek and she just slapped it. She stuck her tongue out at me and rolled her eyes.

Natawa ako sa ginawa niya. "Ang sakit mo naman, Nessa. Kung ako nga hindi mahihiyang sabihin na ang ganda-ganda mo tapos halos ayawan mo na ako."

Chasing Fate [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon