CHAPTER 13: Memories And Just Friends

Start from the beginning
                                    

"Akala ko singsing na yung binigay sa'yo tapos magpopropose siya." sabi ni Jeya na parang na-disappoint sa regalo ni Jaxx.

"Tanga, grade 8 pa lang tayo." sabi naman ni Aza.

"Thank you, Jaxx. Hindi ka na dapat nagbigay ng regalo kasi ito pa lang sapat na." sabi ko at itinuro ang buong paligid.

"Ikaw lang daw sapat na Jaxx." sabi ni Jeya kaya naman nasapok ko siya.

Huli kong binuksan ang regalo ni Aza. And as I expected, tsinelas nga ang regalo niya pero it's cute.

"Thank you, Aza!" sabi ko at niyakap ko siya.

"Actually, hindi lang 'yan ang regalo ko." sabi ni Aza. Sinama niya ako papunta sa sasakyan nila at ibinigay niya sa akin yung isang paper bag. Pagkabukas ko ay nakita ko ang isang wattpad book.

"Wow, thank you Aza." sabi ko at niyakap siya. "Hindi niyo ba kami isasama?" tanong ni Jeya na nasa likod namin.

Oo nga pala kasama rin namin sila. Niyakap naming tatlo ang isa't isa samantalang yung dalawang lalaki ay nanatili lang sa gilid. Well, ang awkward raw kasi kung sasali sila.

-

Just thinking of our memories makes me want to cry. Ang saya ko kasi may mga memories kaming ganun pero hindi matutumbasan ng sayang naramdaman ko noon ang bigat ng nararamdaman ko ngayon.

"Bakit ka nandito?" biglang may tumayo sa harap ko kaya naman inangat ko ang aking ulo.

"Jaxx, anong ginagawa mo dito?" tanong ko at pilit na ngumiti.

"Ako dapat magtanong niyan. Anong ginagawa mo dito?" sabi niya.

"Nagpapahangin." sagot ko at naparinig ko naman ang pagtawa niya kaya tiningnan ko siya nang masama. "Sa lamig na 'yan magpapahangin ka pa?" sarkastikong tanong niya at itinuro pa ang malakas na pagragasa ng ulan sa labas.

"Fine! I want to be alone kaya lumabas ako dito." sabi ko.

"Umiiyak ka ba?" tanong niya at inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko at tinitigan ang aking mga mata.

"H-hindi kaya." pagtanggi ko. Hinawakan ko ang doorknob nung room namin at papasok na sana ako pero bigla niyang hinila ang pulsuhan ko.

"B-bakit?" tanong ko. Hinila niya ako palapit sa kanya at saka ako niyakap. Na-estatwa ako sa ginawa niya at imbes na pagpatak ng ulan ang maparinig ko ay tanging mabilis na tibok lamang ng aking puso.

What the fuck, Jaxx? Your making it hard for me to unlove you.

"You can cry all you want, Paris. Don't try to hide your feelings to us. I can be your shoulder to cry on because that's what are friends for." sabi niya at nanatili pa rin kami sa ganung tayo.

Friends. Yeah, that's what are friends for but do you know that I really hate it. Kasi hanggang kaibigan lang ako.

"Jaxx." tawag ko sa kanya at sinagot niya lang ako ng simpleng, "Hmm."

"Pwede bang 'wag kang magbigay ng rason para mas lalo pa kitang mahalin." sabi ko at umalis na sa pagkakayakap niya. "What do you mean?" tanong niya.

Ang manhid mo naman.

"Huwag mong iparamdam sa'kin na may pag-asa ako sa'yo." sabi ko pero tila'y naguguluhan pa rin siya.

"I like you, Jaxx." sabi ko at nanlaki naman ang mga mata niya. "Tunay ba yang sinasabi mo?" tanong niya at tumango naman ako.

He smiled at me. A bittersweet smile.

Trust No One Where stories live. Discover now