CHAPTER 15: Different Point Of Views

Começar do início
                                    

"Kumain na raw muna kayo sabi ni Sir Quira." sabi niya. Nagsitayuan naman kaming lahat at lumabas na sa room. Pupunta na sana ako sa teacher's office pero biglang may humigit sa'kin.

"Samahan mo muna kami para puntahan si Ms. Joy." sabi ni Paris. Hinila niya na ako papunta dun sa isang room kaya wala na akong nagawa kung hindi sumama.

Malamig pa rin ngayon ang panahon dahil umuulan pa rin. Kanina ay tumigil na ito pero biglang bumuhos ulit ito nang sobrang lakas. Kasama ko ngayon sina Paris, Maze, at Jaxx. Binuksan na namin ang pinto nung isang room kung saan naroon si Ms. Joy pero pagkapasok namin ay walang tao.

"Nasaan kaya si Ms.Joy?" tanong ni Paris. Isinarado na namin ang pintuan at nagsimula ng maglakad papuntang teacher's office pero biglang may tumawag sa'min kaya napalingon kami dito.

"Ms. Joy, saan po kayong galing?" tanong ko sabay nilapitan namin siya. Niyakap niya kami nang sobrang higpit. "Pasensya na kung nadamay pa kayo." sabi niya at inalis na rin ang pagkakayakap sa amin. May mga luha siya sa kanyang mga mata na agad niya rin namang pinunasan.

"Sabi naman po namin sa inyo na wala kayong kasalanan." sabi ni Jaxx. "Kain na muna po kayo." dagdag niya. Ngumiti naman si Ms. Joy sa amin at tumango.

Naglakad na kami papuntang teacher's office. Kumuha na kami ng pagkain at syempre kinain na namin, alangan namang tulugan. Medyo maingay pa rin kami pero hindi na gaya ng dati.

Natapos na kaming lahat kumain at bumalik na ulit kami sa room namin para ituloy ang kasiyahan. Medyo ayos na si Ms. Joy kaya sumama rin siya sa amin. Binuksan ko ulit ang speaker ni Maze at isinaksak ko ang aking usb. Pinindot ko ang next button sa speaker at itinigil ko ito sa kantang "Huling Sayaw" ng Kamikazee.

Ito na ang ating huling sandali
Hindi na tayo magkakamali
Kase wala ng bukas
Sulitin natin ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwi

Umupo na kaming lahat sa banig na nakalatag at nakinig sa kanta. May ilang sumabay at itinaas ang kamay sa ere.

Hawakan mo aking kamay
Bago tayo mag hiwalay
Lahat lahat ibibigay, lahat lahat

May mga hindi na napigilang umiyak sa amin. May mga humihingi ng tawad at nagyayakapan. Bakit parang nagpapaalam ang iba sa amin? It's like they're saying goodbye kasi baka last na pagkikita na naming lahat.

Paalam sating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw
Di namalayan na malalim na ang gabi
Pero ayoko sanang mag madali
Kay tamis, kay sarap
Ngunit ito na ang huli
Kailangan na yata nating umuwi

Biglang namatay ang speaker sign na ito ay lowbat na. Natahimik ang paligid. Maririnig na lamang ang pagpatak ng ulan sa labas, malakas na simoy ng hangin, at mga hikbi ng iba kong mga kaklase.

"Sayang hindi pa pinatapos yung kanta." ani Aeron. "Oo nga ang boring na." pagsang-ayon ni Chase.

"Tanungin ko na lang kayo tapos lahat kayo sasagot." sabi ni Ms. Joy kaya lahat kami ay napatingin sa kanya. "Actually, dapat ito ang unang itatanong ko sa inyo sa first activity sana natin. The question is what three words can describe your life or feelings right now?" pagpapatuloy niya. Itinuro ni Ms. Joy si Jaxx para unang sumagot.

"Ipapaliwanag pa po ba namin?" tanong ni Jaxx at umiling naman si Ms. Joy.

"Surviving, death, anguish." sabi ni Jaxx.

Trust No One Onde histórias criam vida. Descubra agora