"My head hurts a bit but I'll be fine." Saad ko, "Why are you here, though? Gising na ba si Adira?" Tanong ko. Maaliwalas na din kasi ang mukha nito hindi katulad nung mga nakaraang araw. Nalaman lang kasi namin ang mga tao na mga kumuha kay Adira para patayin ito. Buti na lang dumating si Miss Ferrucci right on time kaya naabutan pa nila si Adira. 

We were on the verge of crying na nga nung madaling araw that night dahil nga wala pa rin sila Adira at 'yung tatlong professor, na hindi namin alam na sumugod pala doon ng sila lang. 

Hindi ko alam but I think these three professors are not what I think they are. If they look scary in university premises, they're far more dangerous. Naabutan kasi namin sila sa hospital na puro talsik ng dugo ang mga suot at mga seryoso nag uusap. Their aura is screaming ruthless and remorseless as I look at them. 

"She's not yet awake but she's in good condition now." Sabi nito sa akin ng nakangiti na nagpangiti din sa akin, "That's why you need to rest para pag gising ni Adira, nandoon ka. She'll be happy to see you there."

Dagdag pa nito bago ako patakan ng magaan na halik sa aking noo habang ako naman ay natango tango na lamang sa sinasabi nito. 

"I will. Kumain ka na ba?" Tanong ko kalaunan. She just nodded her head bago muli nito haplusin ang aking buhok.

"Let's go downstairs. I know hindi ka pa nakain." Tumayo na ako with her supporting me to stand up. Naglakad kami papalabas ng kwarto while holding each other's hand. 

"Paano ka nga pala nakapunta dito? And how do you know that I'm sick?" Tanong ko ng may napagtanto. 

Hindi ko naman naalala na ni-text ko siya saying that I'm sick dahil kanina ko pa hindi nahahawakan sa cellphone ko. Nakatutok lang kasi talaga ako sa laptop while doing our research. Distraction kasi talaga minsan ang phone sa akin pag gagawa ako ng projects or activities. 

"Papa just called me, telling me you're sick. I hurriedly came here at sila Isabelle muna tumao doon sa kwarto nila Adira. Bantay sarado nga kwarto nila Adira ng mga security because of Miss Ferrucci's orders."

Hindi ko na pinakinggan ang iba pang sinasabi nito dahil sa narinig kong tinawag nito kay Papa. Kailan pa niya naging Papa ang Papa ko? 

"Wait, what? Since when do you call him that?" Tanong ko, suddenly flabbergasted with what's happening. 

"Since earlier." Singit ni Papa. Nasa likod pala namin ito habang may hawak na laptop. Hindi siya naka formal wear ngayon that made me confused. Wala siyang trabaho?

"Don't you have work?" I voice out my thoughts as I look at him.

He sighs at tinanggal ang hawak na salamin sa mata, "I took the day off. You're sick and sabi ko naman sayo babawi ako." 

Nawala ang pagkakunot ng aking noo sa narinig as my shoulders relax as I hear his gentle voice. He is really sticking to what he said that day and I can't help but to feel new. Dati kasi ay puro pangako lang ito sa mga sinasabi niya pero nga sabi niya babawi siya. 

"Kumain na kayo, Pa?" 

Gulat at nakaawang ang labi na lumingon ako kay Sidra nang tanungin niya noon si Papa. I saw my father's satisfied smile as he also looked at me, giving me a teasing smile that made me crease my forehead.

Hindi niya ako binibigyan exactly ng nang aasar na ngiti but para kasing binigyan niya ako by those looks. It's annoying me big time.

"I'm done, 'nak. Kumain na kayo diyan. It's past 3pm na din." Nakangiti pa rin na sagot nito kay Sidra. I can't help but feel awkward. Ano't anak na tawag nito kay Sidra?

Maya maya ay sabay pa silang humagalpak ng tawa kaya naman naiinis na umalis ako sa living room at dumiretso sa kitchen para kumain na. I figured that they're just teasing me with those names kaya naman tuluyan na akong naasar sa pinaggagawa nila.

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now