CHAPTER 9: Unmasking The Culprit

Start from the beginning
                                    

Suspects:
1. Galle
2. Gianna
3. Chase

Napatingin si Jaxx sa kanyang relo. "Para mapabilis ang ating pag-uusap sabihin niyo na lang kung sinong mukhang suspicious na napansin niyo these past few days." sabi niya.

Tumaas ng kamay si Arthur kaya napatingin kami dito. Pero bago pa ito makapagsalita ay biglang nagbukas ang pinto at pumasok dito sina Izhan, Emerald, Galle, Lia, at Precious.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Izhan na mukhang nagulat nung makita kami.

Pumalakpak naman si Galle at sarkastikong tumawa. "Wow, so habang nagpapakahirap kami na maghanap ng susi, nakaupo lang kayo dito?!" sabi niya.

"Sinabi ba namin na maghanap kayo nang maghanap?" tanong ni Jaxx with a hint of sarcasm too.

Mag aaway na naman ba sila?

"Alam mo Jaxx. Hindi ko alam kung ikaw pa rin ba yung president namin, you've change." sabi ni Galle at nanatili pa rin siyang nakatayo. Samantalang sina Izhan naman ay pinaupo ni Jem sa tabi niya.

"Then get use to it. Sit here and tell to us why should we remove you in our suspect list." walang emosyong sabi ni Jaxx.

Nakita ko kung paano nagsalubong ang kilay ni Galle. Hinila siya ni Emerald para umupo at sumunod naman ito. "Suspect? Ako? Who the fuck are you to said that?! Police ka ba o baka naman you want to play being a detective?" sunod-sunod na tanong ni Galle. Pero ni-isa sa kanyang tanong ay hindi sinagot ni Jaxx.

"Calm down guys." sabi ni Maze. Tiningnan niya si Galle at saka pinaliwanag kung bakit siya nakasama sa suspect. Binanggit ni Maze ang mga sinabi ni Luna at Jane.

"What's wrong with you conyo girl and you, the not so pretty bitch?!" galit na sabi ni Galle at masamang tiningnan yung dalawa. Inirapan lang siya ni Jane samantalang napakapit naman si Luna kay Athena.

"Stop it, Galle!" malakas na sabi ni Lia.

"Ano pagtutulungan niyo ako? Sige, isipin niyo kung anong gusto niyong isipin tungkol sa'kin but I'm outta here!" sigaw ni Galle. Tumayo siya sa pagkakaupo at tiningnan niya kaming lahat bago padabog na naglakad.

Hindi pa siya nakakalabas ay nagsalita si Havien. "So, ikaw nga ang killer? Bakla ka sobrang OA mo e magpapaliwanag ka lang naman. Halatang guilty si anteh." sabi niya kaya naman napabalik ang halatang galit na si Galle.

Hinawakan ni Galle ang buhok ni Havien at ganun din ang ginawa ni Havien sa kanya. "Anong sabi mong bakla ka?! Para namang may naiitulong ka dito?" sabi ni Galle at mas nilakasan pa ang pagsabunot kay Havien na naging dahilan ng pagtili nito. Napatayo naman kaming lahat at pinigilan sila.

After 2 or 3 minutes, I guess? Napaghiwalay na rin namin sila. Parehas nilang inayos ang kanilang buhok. Lumabas naman si Galle sa room at sumunod ang mga kaibigan nito. Bago lumabas si Emerald ay humingi ito ng tawad sa amin, especially kay Havien.

"Grabe ang babaeng 'yon mukhang ako yata ang sunod niyang papatayin." komento ni Havien at maarteng pinunasan ang kanyang noo na tagaktak ang pawis.

"Hindi pa tayo sure kung siya nga ang killer kaya 'wag muna tayong magsabi ng ganyan." sabi ni Jeya at tumango naman ang iba sa tinuran niya.

"Guys, pinapatawag na kayo ni Ms. Joy kumain na raw kayo ng lunch." napalingon kami sa pintuan ng room at nakita namin si Jyzhian. Tinanguan namin siya at nag-ayos na kami ng aming mga sarili dahil galing kami sa isang war. Pagkatapos ay sumunod na rin kami kay Jyzhian.

Trust No One Where stories live. Discover now