Chapter 5: Maldita Lessons

Start from the beginning
                                    

"What are you waiting for? halika na dito, ako na magdadrive para sa'ting dalawa." sabi ni Ate Keirsten sabay hablot ng kaliwang braso ko.

Nag madali kaming dalawang naglakad papalabas ng bahay nila, kami ay pamunnta sa isang black Limousine, ang yaman naman nila marami pa kasi akong nakitang kotse sa loob ng garage nila, ay hindi, hindi na ata yun garage para ng isang malaking parking area na nasa ilalim ng bahay nila.

"Dapat matuto ka ha' or else ako ang magmamaldita sa'yo." casual niyang sabi habang binubuksan na niya ang pinto ng kotse.

"I'll try po..." I answered at pumasok na rin ako sa loob.

"Don't say po, I'm not too old para sabihin mo yan sa akin." sagot niya habang nagdadrive na ng kotse papunta sa mall.

*Mall*

Parang model maglakad si Ate Keirsten, naka chin-up, stomach in, naka project, at nakasuot pa siya ng mataas na highheels, pinalitan niya yung suot niyang sapatos nung naipark na niya yung kotse. Hangang-hanga talaga ako sakanya. Para isa siyang tao na napakadami ng alam sa mundo, yun ang nararamdaman ko.

"Come here,watch me as I show to you the real verb of maldita." she said habang nauuna na siyang maglakad kesa sakin.

Binilisan ko ang paglalakad para maabutan siya.

Nang makapasok na kami sa loob ng mall, nakakita si ate ng isang babae- kasama yung boyfriend niya.

"Hershien, the best way of learning is by doing, but this time showing muna kaya watch and learn." sabi ni ate Keirsten at nakapamewang pa siya.

Then lumapit na siya ng marahan dun sa dalawa na nakaupo sa bench at sobrang sweet habang nag-uusap, may subuan pa ng ice cream na nagaganap.

"Excuse me, I like your boyfriend Can I have him?" magalang na tanong ni Ate Keirsten habang nakasmile.

"Pwede ba maghanap ka ng sarili mong boyfriend, mukhang baliw ka na eh'" matapang na sagot nung babae.

"Wow, sumasagot na pala ang palaka ngayon? my question is answerable by yes or no, kung papayag ka ba o hindi, tanga ka? o sadyang bingi ka lang talaga?" relax na pagsasalita ni Ate habang nakapamewang at nakapose na parang may pictorial.


Sasampalin na sana siya nung babae pero nasalo niya ang kamay nito.

"Pwede ba miss huwag mo kaming guluhin ng girlfriend ko!" sigaw nung lalaki.

"Ganyan ka pa? ako na nga ang naawa sa'yo dahil ang pangit ng girlfriend mo, bulag ka siguro kung ganun nga napakaperfect ng love team niyo isang bulag at isang bingi, oh di ba? love team of the year." pataray na sagot ni Ate at sasampalin na sana siya nung babae gamit ang isa pang kamay ngunit nasalo niya ulit ito.



"Bakit gustong-gusto mong sampalin ako? hindi ka ba makapagpigil, ako nga kanina ko pa gustong ihampas sa pagmumukha mo 'tong mamahalin kong bag, pero napag-isip-isip ko huwag na lang dahil mas mahal pa ang bag ko kaysa sa pagmumukha mo wala kang face value." relax ulit napagsasalita ni Ate habang nakasmile.

"Tsaka wag kang nang aapak ng ibang tao porket mukha kang paa. Sige ha' diyan na nga kayo enjoy your date." dagdag pa ni Ate tapos binitawan na niya yung dalawang kamay nung babae.

Nakita kong namumula na sa sobrang galit yung babae, sino ba naman kasi yung hindi? matapos sirain ni ate yung date nila tapos sasabihan ka ng enjoy your date.

Naglakad na si Ate papalapit sakin at iniwan na yung dalawa.

"Punta naman tayo sa isang resort." sabi niya sakin na parang walang nangyari.


The Seven Princes of MafiaWhere stories live. Discover now