CHAPTER 8: Trust And Sequence Continuation

Start from the beginning
                                    

"Nice joke." ani Maze

"True, baka naman ang sinasabi mo Paris ay bagay kay Jaxx yung tumatawa." sabi ni Jeya at kiniliti pa si Paris sa tagiliran.

"Dream on!" sabi ni Paris. Tumayo siya at pumunta sa may parang lababo sabay hinugasan ang plato niya.

Tapos na rin kaming kumain at gaya ni Paris ay kanya-kanya kaming hugas ng aming pinagkainan. Hindi muna sila umalis sa teacher's office at umupo ulit sa inupuan nila kanina kaya wala akong nagawa kung hindi umupo rin.

"Hindi ba kayo maghahanap ng susi?" tanong ko.

Nagtinginan silang tatlo kaya naman kumunot ang noo ko. "Actually, hindi na kami maghahanap." sabi ni Maze.

"Hindi naman sa sumusuko kami pero feel talaga namin nasa killer ang susi." paliwanag ni Jeya.

"Pero may hahanapin pa rin tayo?" sabi ni Paris sabay ngiti gaya nung dalawa. Tayo? Wait, kasama ako? Ano na naman bang kalokohan ang nasa isip nila.

"Ano?" tanong ko.

"Let's find out who's the killer. Ano g ka ba, Jaxx?" sabi ni Maze.

"Sa totoo lang wala na rin naman akong balak na maghanap nung walang kwentang susi na 'yon." sabi ko at inilagay ang dalawang braso sa mesa. Inilagay ko ang isang kamay ko malapit sa aking baba at umaktong parang nag-iisip.

"Sumama ka na sa'min, Jaxx. Siguro takot ka, ano?" pang-aasar ni Jeya sa akin kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Do I have a choice? Tsaka once na malaman ko kung sino man yung killer o mga killer na 'yan, papatayin ko siya o sila." sabi ko. Nakita ko namang napalunok ng laway yung tatlo at mukhang nagulat sa sinabi ko kaya napatawa ako.

"Syempre joke lang." sabi ko pero baka nga, baka nga makapatay ako nang wala sa oras.

"Paano ba tayo magsisimula?" tanong ni Jeya. Nagkatinginan kaming apat at naisip namin na mag-usap kami sa room namin nina Maze.

Pagkalabas namin sa teacher's office o ang pansamantalang kusina namin ay nakita namin ang grupo nina Athena. Naglakad na ako at hindi sila pinansin pero bigla siyang nagsalita kaya napalingon ako.

"Sorry, Jaxx." sabi ni Athena ganun din ang sinabi ng iba niyang kaibigan.

"Sorry din." walang ganang sabi ko. "Yan ba ang gusto niyong marinig sa'kin? Sa tingin niyo ba kapag pinatawad ko kayo maiibalik niyo siya?!" pagbawi ko sa una kong sinabi. Nakita ko namang umiyak si Athena pero wala na akong pake.

"I'm really sorry. Nadala lang talaga ako ng emosyon ko." sabi ni Athena kaya naman sarkastiko akong napatawa.

Medyo malayo siya sa akin pero hindi na ako nag-abala pang lumapit sa kanya. "Nadala? Kung patayin ko kaya ang isa sa kaibigan mo tapos sabihin kong nadala rin ako ng emosyon ko. Mabilis niyo ba akong mapapatawad hindi ba't hindi?!" galit na sabi ko at tumalikod na sa kanila.

Lalakad na sana ako papunta sa room pero biglang nagsalita si Havien. "Kung magsalita ka parang ikaw lang ang nawalan ng kaibigan ah! Kapal ng peslak mo." sabi niya kaya naman lumapit ako sa kanila.

"Nawalan kayo ng kaibigan dahil sa killer, at nawalan ako ng kaibigan dahil masyado niyo siyang diniin sa kasalanang hindi naman niya ginawa." sabi ko. Natahimik lang sila at hindi nakapagsalita. Looks who's guilty now.

"Tsaka hindi lang kaibigan ang nawala sa akin. Siya yung taong mahal ko. I love her more than on what you think of." wala sa wisyong sabi ko. Nakita ko ang pagkagulat sa kanilang mata. Umalis naman kaagad ako hindi dahil sa hiya kung hindi baka hindi lang killer ang mapatay ko kung hindi pati sila.

Trust No One Where stories live. Discover now