Take A Break (6)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kung may nagawa ako, I'm sorry.. Ayokong umalis na magkagalit tayo. Ayoko ring tumagal na di moko pinapansin.." She hugged me again.

I hugged her back.

Dapat ko bang itanong?

Glaiza nililigawan kana ba ni Benjamin?

Dapat ko bang itanong?

I sighed. Wag na Rhian. Wag na kasi baka masaktan ka lang nanaman...

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Okay na Glaiza. Wala kang ginawa. At kung meron man, siguro tatanggapin ko nalang." I sighed. "Mag-iingat ka sa flight mo ha."

I decided na iwan na siya sa tent. Ayoko muna siyang makita.

Kaya kong magsinungaling ng reasons pero di ko kayang lokohin yung sarili ko.. The more na lumalapit siya, nahuhulog ako. At the more na nahuhulog ako, nasasaktan ako..

Gusto ko muna siyang layuan. Tama na rin siguro na umalis muna siya. Kailangan kong masanay kahit isang linggo na wala siya.

Gusto kong magisip kung bakit ko to nararamdaman..

//

Ang lakas ng ulan. Nasa favorite resto nanaman kami ng boyfriend ko. Dito namin naisipang magdinner since naudlot nga yung date namin kahapon dahil sa dahilan kong "pagsakit ng tiyan ko"..

Sinundo niya rin ako sa set kanina. Hindi na sila nagpang-abot ni Glaiza dahil umalis na rin si Glaiza..

Tumingin ako sa labas. Ang lakas ng ulan..

I looked at my phone.

7:30 pm.

Nakaalis na kaya si Glaiza?

"Babe? Are you okay? Napapadalas yung pagkatulala mo.. Okay ka lang ba?"

Naramdaman ko nanaman yung paghawak niya sa kamay ko.

I smiled at him. "Of course okay lang ako."

"Kilala kita. Alam kong may gumugulo sa isip mo... Ano yun?"

"Ano kaba.. Wala to.. Kain na nga tayo." Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko tapos sumubo ako ng pagkain.

Nagtaka ako kasi nakatingin pa din siya sakin na parang pinapakiramdaman ako.

"Babe.. Rhian, tell me. Nag-aalala ako. I know you're not okay. So tell me the reason why you're not."

I looked at him again. Seryoso na siya..

Uminom ako ng tubig.

Dapat mo bang sabihin sa boyfriend mo Rhian? Dapat mo bang sabihin na hindi mo na siya mahal? Dapat mo bang sabihin na may mahal ka ng iba?

O

Dapat mo ba siyang lokohin at yang sarili mo na di ginugulo ni Glaiza yang pagkatao mo?

I sighed. "Uhmm"

"Tell me."

"I'm sorry." Bigla kong nasabi. Ugh. Wala na Rhian. Nakapagdesisyon kana. Kailangan mo ng sabihin sa kanya.. "I'm sorry J."

Napakunot naman ang noo niya. "Why? May.. May nanligaw ba sayo while wala ako?"

"No.. Wala.. But.." Tiningnan ko siya.. Ayoko siyang saktan. Pero feeling ko mas masasaktan ko lang siya kung magsisinungaling ako.. "I'm sorry pero.. may nagugustuhan na ko."

.

.

.

.

RASTRO FEELSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon