CHAPTER 6: Lost Keys And Hidden Feelings

Start from the beginning
                                    

We all know that Ayaka likes Aiden.

"I want to leave here. I can't stay with a murderer!" sigaw ni Ayaka.

Sarkastikong tumawa naman si Chase, ang kabarkada ni Aiden. "Ang sabihin mo hindi mo na kayang makita yung pinatay mo, diba?" nagulat ang lahat sa sinabi ni Chase na naging dahilan kaya namuo ang katahimikan sa amin, pero bigla siyang nilapitan ni Ayaka at sinampal ito.

Napahawak sa panga si Chase dahil sa lakas ng sampal sa kanya ni Ayaka. "How dare you?! Bakit ko naman papatayin si Aiden? Tsaka hindi ba't ikaw ang nakakita sa katawan ni Aiden sa cr?" galit na tanong ni Ayaka. Pumagitna na sina Sir Quira pero nagsalita pa rin si Chase.

"Hindi lang si Aiden ang pinatay mo kung hindi pati yung dalawa. May motibo ka para patayin silang lahat at ako wala." ani Chase. Tumingin kaming lahat sa kanya at kita ko ang pagseryoso ng mukha ni Ayaka.

"Una ay si Celestia, sinabi mo kay Aiden noon na minsan nagseselos ka sa isa mong kaibigan at si Celestia 'yon dahil nasa kanya na ang lahat. Pangalawa si Aza, syempre papatayin mo ang kahati mo kay Aiden. Alam namin at alam mo na kaibigan lang ang turing niya sa'yo at si Aza ang gusto niya. At ngayon si Aiden, naparinig ko kung paano ka nagmakaawa kay Aiden na ikaw ang piliin niya. Pero tumanggi siya kaya hiniling mo na sana mamatay na lang siya, diba?!" mahabang paliwanag ni Chase pero lahat ng 'yon ay hindi maiipagkailang tunay.

"Stop accusing her. Please go to SHS building now and eat. Kailangan niyong kumain muna." sabi ni Ms. Joy, sumunod kami sa kanya pero ramdam pa rin ang matinding tensiyon sa pagitan nilang dalawa.

Nakita kong bumalik ulit si Ayaka malapit kay na Galle, Emerald, Lia at Precious, ang kanyang mga kaibigan pero bigla siyang iniwan ng mga ito.

Bago pa sila makaalis ay lumingon si Emerald. "We can't trust you right now, Ayaka. I hope you understand." sabi ni Emerald bago pa ito nahila ni Galle.

Masisira na ba ang samahan ng seksyon namin dahil dito? We are still the best section, right? Sana, sana talaga maging maayos pa ang lahat.

Dinaanan namin si Ayaka pero tumigil ako at lumingon sa kaniya. "Let's go Ayaka." sabi ko, nabigla sina Maeve dito pero tinanguan ko lang sila para sabihing alam ko ang ginagawa ko. Nabigla rin si Ayaka sa akin pero hinila ko ang kamay niya para sumabay sa amin.

Habang naglalakad ay bigla siyang humikbi kaya pinulupot ko ang braso ko sa kanya. Nasa kabilang braso ko naman si Maeve na hindi man lang nagsasalita. "Thank you." mahinang sabi ni Ayaka.

"Alam kong hindi tayo dapat magtiwala agad ngayon pero ramdam ko na wala kang masamang ginawa. I trust you, Ayaka." sabi ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Pagdating namin sa SHS building ay pumasok na kami sa teacher's office para kumain.

Kita pa rin ang ibang dugo sa harap ng teacher's office. Pero hindi na namin ito pinansin. Now, we just need to eat kahit wala kaming gana, at magsimula na ulit maghanap ng susi na hindi pa rin nahahanap.

Kumakain kami ngayon at katabi ko si Maeve at Ayaka. Lumapit sa akin si Maeve. "Gianna, bakit mo ba nilalapitan si Ayaka? Hindi ka ba natatakot na baka siya nga ang killer?" bulong niya pero alam kong narinig ito ni Ayaka kasi napatingin siya sa amin.

Bago ko sinagot si Maeve ay napatingin ako sa mga tapos ng kumain, at lumalabas sa teacher's office.

Ibinalik ko ang tingin kay Maeve. "I trust her." sabi ko. Tinanguan niya ako at bakas sa kanya ang pagkalungkot.

"You don't need to force yourself to accept me, after Chase accusations to me." sabi ni Ayaka, umiiyak siyang lumapit sa water dispenser. Humihikbi siya habang pinupuno ng tubig ang kanyang baso.

Trust No One Where stories live. Discover now