Chapter 14

3.7K 125 16
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.


Chapter 14

Ang sabi ni Duke, malayo ang Alcantara sa Argao kaya ayaw niya rin ako payagan. Pero wala pang fifteen minutes ay narito na kami.

"Akala ko ba ay malayo?" nakangiwing tanong ko at nilingon siya.

He didn't bother to look at me as he tried to park the car in a tight space. His hands gripping the leather steering wheel looked good while controlling it in reverse. Palingon lingon pa siya sa likuran habang bahagyang salubong ang mga kilay.

"Ang gwapo mo talaga, ano?" I giggled. "Kakainis. Marami kayong lalaki sa pamilya, hindi ba?"

Sandaling tumama ang mga mata niya sa akin ngunit patuloy pa rin sa pagmamaniobra.

"Why do you ask?"

I shrugged my shoulders. "Wala naman. I just realized na kung hindi ako puwede sa'yo, puwede na rin sa isa sa mga kapatid mo. So, sino sa kanila ang puwede?"

The car engine stopped. Bumuntonghininga siya at nilingon ako, busangot ang mukha at tila iritado na naman.

"You are already thinking about it while still in a relationship with me, huh?" he smirked, his jaw clenching hard. "That's advance."

Natawa ako. "Well, that's true. Iniisip ko na nga kaagad ang magiging speech ko kapag nagpaalam na ako sa'yo. Should I say... thank you for everything?" I giggled. "That's cliche, right?"

Sandali niya akong tinitigan bago itinuon sa harapan ang mga mata.

"No need for good-byes," he said. "I don't need it."

He doesn't need it... ang ibig sabihin ay hindi ko na kailangan pang magpaalam sa kaniya? Kung aalis na ako, hindi na ako magpapakita pa sa kaniya o magpapasalamat?

That's sad. But a part of me tells me that it's more painful on my part if I would still face him and bid my goodbye. Kaya sige, huwag na lang.

"Okay!" Nagkibitbalikat ako. "Noted."

Bumaba na ako ng kotse. Nasa tapat kami ng isang malaking bahay. May mga kotse na nakaparada sa labas at sigurado ako na sa mga bisita ang mga iyon.

But among all the cars that were parked outside, Duke's was the most flashy and luxurious. Para bang kahit na ano pang kotse ang itabi ng sa kaniya, mangliliit.

Kumalabog ang pinto sa gawi ni Duke. Umikot siya patungo sa gawi ko at sinalubong ang aking mga mata.

"Wait lang."

Tumungo ako at nagtext kay Frances. Ang sabi niya ay narito na raw siya kasama ang iba naming kaibigan.

"I'll just ask my friend to fetch us here." sabi ko habang panay ang dutdot sa screen ng cellphone ko.

"Duke?"

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang tawag na 'yon. Kumunot ang noo ko nang makita si Geissler, ang boyfriend ni Frances na kalalabas lang ng gate ng bahay.

"Geissler,"

Lumapit si Duke sa kaniya. Nagkamay silang dalawa at sandaling nagyakap. I blinked my eyes. The fact that they knew each other slowly sunk in my brain.

Paano?

Tumingin sa akin si Geissler, ngumiti at kumaway.

"Hi, Izza!"

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon