Chapter 4

4K 122 9
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 4

Binibilang ko ang mga bibe na dumadaan sa harapan ko habang hawak ang cellphone sa tainga. Mula sa damuhan ay nag-angat ako ng tingin sa langit.

Walang bakas ng kahit ano mula sa matinding ulan kagabi. The sun was scattering its blinding rays over the green land. The smell of fog and fresh flowers were lingering in my nose I can inhale it all day.

"Tinatanong ng Daddy mo kung kumusta ka diyan. Well, he knows how Duke can be a snob and intimidating. But he believes that you are intimidating as well."

Natawa ako sa sinabing 'yon ni Mommy. Nagising ako sa tawag niya. O, marahil ay hindi rin naman ako nakatulog nang maayos dahil sa magdamag na ulan.

At sa kakaisip kung anong mayroon sa Ruth na iyon at tila masiyadong apektado si Duke. Pakiramdam ko ay masiyadong malalim ang pinagdadaanan niya para kahit ang pangalan no'n ay hindi niya magawang marinig palagi.

Curiosity was striking up I badly want to know what happened between them. Sa gwapo ni Duke, kahit pa sinong babae ay siguradong luluhod mapansin lang niya. Tipong kapag siya ang naging nobyo mo, mararamdaman mo na ikaw ang pinakamaswerteng babae sa mundo.

But I'm not one of those girls.

"I'm fine here. Don't worry. Kaya ko namang tapatan ang pagiging suplado niya." sagot ko kay Mommy.

"Wow. That's new. I didn't expect to hear that from you, Izza. Something happened that changed your mind?"

Huminga ako nang malalim at umiling na para bang nakikita niya ako.

"Wala naman, Mommy. Naisip ko lang na dalawang buwan lang naman ang ilalagi ko dito so why not make the most out of it. Baka... ma-enjoy ko rin naman."

Pumihit ako paharap sa mansyon. Natanaw ko si Duke na papalabas, bagong ligo at presko sa suot na kupas na pantalon at puting t-shirt. He was also wearing low cut brown leather boots that made him look like those hunks in the countryside.

Diretso ang tingin niya at tila ba hindi ako nakikita. May hawak siyang paper bag sa isang kamay niya at lumiko patungo sa kwadra ng mga kabayong naroon.

"I'm sure that-"

"Mom, I'll call you back. May gagawin lang po ako. Love you! Bye!"

Mabilis kong pinatay ang tawag kahit naririnig ko pa ang pahabol na salita ni Mommy. Naglakad ako palapit sa kwadra. Bago pa man ako tuluyang makarating ay akay-akay niya ang isang itim na kabayo palabas.

Nagtama ang mga mata namin. Ngumiti ako sa kaniya.

"Good morning!" bati ko.

I wasn't expecting any answers from him. Ganoon naman talaga siya at wala rin akong pakialam kung hindi niya ako batiin.

He continued guiding the horse out of the stable and I just stood there watching him.

"Morning."

My eyes blinked repeatedly. Wait. He greeted me back?

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Sa kabilang baryo."

In fairness, sumasagot na siya sa akin ngayon na hindi iritado.

"Sama ako."

He automatically halted from making a move. Nilingon niya ako, bahagyang salubong ang mga kilay. I was swaying my body like a little girl, the hem of my dress dancing with me.

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileWhere stories live. Discover now