Chapter 13

15.8K 279 14
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Monasterio Series 10: Her Wicked Smile is already finished on VIPs and Patreon.

Chapter 13

Napakamot ako sa ulo matapos mabasa ang message ni Frances sa group chat namin. Lima kaming magkakaibigan sa college pero siya ang pinakamalapit sa akin.

Kami palaging dalawa ang magkasama kahit saan. Medyo dumalang lang ang hangout namin simula ng magkaroon siya ng boyfriend na ilang taon rin ang tanda sa kaniya. Isang beses na namin nakilala. Businessman din at tila kasing edad ni Duke.

Frances:

Malapit ka na lang sa Alcantara! Kami nga manggagaling pa sa city.

Birthday ng boyfriend niya at pupunta siya kasama ang ibang kaibigan namin. Wala naman akong gagawin sa buong maghapon pero kasi, hindi naman ako marunong mag-commute papunta doon.

Ako:

Hindi ko alam papunta doon. Baka mamaya ay hindi na ako makabalik dito sa Argao.

Frances:

Puwede ka namin sunduin? I'll bring my own car naman.

Ayun naman pala. Hindi ko na kailangan pa mamoblema kung paano ako makakarating doon.

"Finish your food first."

Nag-angat ako ng tingin kay Duke matapos sabihin 'yon. He was staring down at his food. His brows are a bit furrowed.

We were having breakfast at the terrace. Maaga kami nagising parehas kahit pa hindi naman kami nag-usap. Simula nang magtigil ako dito, madaling araw pa lang ay mulat na ako.

I sighed lazily and took the pink mug with hearts printed everywhere. Ipinabili ko ito kay Duke nang magtungo kami isang beses sa mall dahil naubusan ako ng essentials. Mabuti nga at napilit ko na samahan ako dahil abala siya nung araw na 'yon.

Instead of paying for it, he was the one who paid for my expenses that day. Hindi ako attracted sa mga lalaking ginagastusan ako. Pero nung siya na ang gumastos para sa akin, abot-abot ang kilig ko.

"Duke, I have something to tell you." My tone was serious.

Marahan siyang nag-angat ng tingin sa akin, tila ba nakahanda na sa kung ano man sasabihin ko na walang kapararakan.

Natawa ako. "What's that look! Para namang bored na bored ka. Wala pa nga akong sinasabi."

"Tss," he scoffed as if he's not in the mood for any nonsense. "What is it, brat?"

I giggled again. "Well. Kasi my friend's boyfriend will celebrate his birthday today sa Alcantara. Since I don't know the place, susunduin na lang daw ako nung friend ko."

He took a deep sigh as if he was relieved that those were the words he heard from me. Minsan talaga ay gusto ko na lang pumasok sa ulo niya para naman nalalaman ko kung ano ang iniisip niya. He's always giving me the vibe of someone who is as mysterious as the moon every night.

"Are you close to her boyfriend? If not, then no need to go."

Ngumuso ako sa sagot niya. "I've met him one time and he's kind. Nakakahiya naman kung inimbitahan ako tapos aayaw ako, hindi ba? They knew that I am just here in Argao. I heard malapit lang ang Alcantara dito."

Nagbaba siya ng tingin sa plato niya, tila ba tinatapos na ang usapan namin.

"Malayo. Maiinip ka sa biyahe."

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon