Chapter 3

4K 105 10
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 3

Ruth.

Hindi kaya iyon ang pangalan ng babaeng nasa picture sa laptop niya? Is she his girlfriend? Mukhang napapanaginipan niya pa. Pero bakit siya humihingi ng sorry? Did he do something against her?

Binalingan kong muli ang picture nung babae. Kahit saang anggulo, mataray siya kung tingnan. Her features were no way near to being angelic. Para bang oras na matitigan ka ng mga mata niya ay  ikaw na rin ang unang magbababa.

Pero hindi ako. Kahit pa titigan niya ako, tititigan ko rin siya pabalik. I don't remember myself backing down when someone tries to intimidate me through their hard stares.

Baka naman girlfriend niya nga tapos ay may lover's quarrel silang dalawa? Siguro ay may ginawa siyang kalokohan at inaway siya nung Ruth?

Umayos ako ng tayo at ipinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng aking dibdib. Ibinalik ko ang tingin kay Duke at nananatili pa rin itong nakapikit.

"Hindi na ako magtataka kung magkaaway kayo ng girlfriend mo. Sobrang rude mo kasi." mahinang sabi ko.

Muling namayani ang malakas na kulog sa gitna nang misteryosong gabi. Bahagya akong napatalon sa gulat, ang dibdib ay tila hinampas sa sobrang bilis ng pagbaba at taas.

Duke's eagle-like eyes slowly came to life. Sa kisame unang tumama ang mga mata niya. The darkness of them became visible when another lightning struck the land.

Awtomatikong bumaling ang ulo niya sa akin dahilan para magtama ang mga mata namin, huli na para makaatras at lumabas mula roon.

With the way he stared at me, he was obviously wondering why I was here in his room. Hilaw akong ngumiti sa kaniya at kumaway.

"I'm sorry. I'm scared of thunder so I went here. Hindi ko alam... na ito pala ang kwarto mo." dahilan ko.

Hindi siya sumagot. He averted his eyes back to the ceiling and it made me see how sharp his nose is.

"You should have knocked." he said so calmly.

Simula nang makilala ko siya kahapon, sa tuwing magpapalitan kami ng mga salita, ni isang beses ay hindi ko pa siya narinig na nag-iba ng tono. Palagi siyang kalmado, walang emosyon.

"Hindi ko naman plano ang pumasok sa ibang kwarto. I just wanted a companion. Kasi nga, natatakot ako sa kulog. It so happened na kwarto mo ang una kong nakita."

Hindi siya sumagot, nanatiling nagmamasid sa kisame na para bang may malalim na iniisip. Pakiramdam ko pa nga ay hindi niya na ako kakausapin pa dahil sa pananahimik niya.

Hindi kalaunan ay isinara niya ang laptop at bumangon. Nag-iwas ako ng tingin sa katawan niya. Marami naman na akong nakikita na lalaking nakahubad ang pang itaas sa school namin. Kapag nanonood kami ng best friend kong si Nicki ng practice ng varsity sa gymnasium ay may mga lalaking topless sa paligid.

Hindi ko alam kung bakit pagdating sa katawan ni Duke ay hindi ko magawang pagmasdan lalo pa't alam kong maaari niya akong makita. Maybe it was hard for me to admit that he has the most perfect upper extremity I have ever seen in my whole existence.

His torso even looks like a sculpture as if the artist had spent quite a long time to perfect it.

He left the laptop on the bed. Habang siya, tumayo sa mismong harapan ng bintana at pinagmasdan ang ulan. My gaze fell on his back, his muscles were in the right places.

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon