Chapter 2

4.5K 121 16
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 2

Nagising ako sa maingay na tunog ng makina mula sa kung saan. Mulat ang isang mata, iginala ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto para lang masilaw  sa liwanag mula sa bintana.

I'm not a morning person. I usually wake up late. Kapag may pasok, saka lang ako gumigising nang maaga. Sabi ko nang magsimula ang bakasyon, susulitin ko 'yon at matutulog hangga't gusto ko.

"Ang agang ingay naman!" iritadong sabi ko saka napipilitang bumangon.

Dumungaw ako sa kwarto. Tanaw mula sa kinaroroonan ko ang palayan at kumpol ng mga tao roon. Mayroong machine truck at sa tingin ko ay doon nanggagaling ang ingay.

"Ano bang mayroon? Napakaaga naman nilang mag-ingay."

Padabog akong naglakad patungong pinto at lumabas ng kwarto. Naghanap ako ng tao sa pasilyo ngunit masiyadong tahimik doon.

I climbed down the stairs and scanned my eyes all over the living room. Wala pa rin tao. Nasaan ang mga kasambahay?

Imbes na hanapin sila ay naglakad ako patungo sa main door at wala sa sariling isinandal ang gilid ng katawan sa haligi.

I crossed my arms over my chest and watched the people from afar getting busy with whatever it was. Sa gitna ng pagmamasid ay nakita ko ang pagdaan ni Duke mula sa gilid ko.

Galing siya sa loob at ngayon ay dinaanan lang ako na para bang hindi niya ako nakita.

"Wait!" agaw pansin ko sa kanya.

He suddenly stopped from walking. Hindi siya kaagad pumihit sa akin at nanatili lang na nakatayo patalikod na para bang hindi naman importante ang sasabihin ko.

I had the chance to stare at his physique. Ang ganda niya lalo pagmasdan sa suot pantalon at itim na t-shirt. Hubog na hubog ang haba ng mga biyas at ganda ng kanyang tindig.

Hindi ko maiwasan ang mas lalong humanga sa pisikal niyang ayos at dating. Kahapon nang makita at makilala ko siya ay naliligo siya sa pawis at madumi. Still, I can remember how much I complimented him on my mind.

Ngayon pa kayang malinis na siya? His obviously expensive perfume was even lingering in my nose.

"Your breakfast is already in the dining area."

Kumurap kurap ako nang sabihin 'yon ni Duke. Saka ko lang napagtanto na masiyado akong natutulala sa kaniya dahil lang sa tindig at pangangatawan na meron siya.

"What's with the noise?" I asked.

Saka niya lang ipinaling ang ulo sa gilid ngunit hindi rin sapat para magtama ang mga mata namin.

"Did it wake you up?"

"Of course. Ang aga pa kaya tapos sobra ang ingay." Umikot ang mga mata ko.

"Yeah?"

That one simple word from him made me shut up for I can hear the sarcasm through it. Para bang wala naman siyang pakialam kahit pa magising ako sa ingay na mayroon sa paligid.

Seriously. How can he be so rude? Alam ba nina Mommy na ganito ang ugali ng isang ito? I'm sure hindi.

Huminga nang malalim si Duke at pumihit na paharap sa gawi ko. Kaagad kong pinagsisihan na kinausap ko pa siya ngayon.

His eyes were dark and unfathomable as if chaos was happening in his soul. Tila ba siya lang ang nakakaalam ng pinagdadaan niya sa mga sandaling ito at walang kahit na sino ang makakasagip sa kaniya.

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileWhere stories live. Discover now