Chapter 12

4K 116 16
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Monasterio Series Book 10: Her Wicked Smile is already finished on VIPs and Patreon.

Chapter 12

"Are you two... somehow in a relationship?" It was Dustine who asked after hearing the WiFi's password.

Ang sabi ko, hindi namin ipapaalam ang kung ano man na namamagitan sa amin. Pero ako pa mismo ang naunang magpaalam. Ang hirap talaga kontrolin ng dila ko kadalasan. Now I know why Mommy loves to call me "dakdakera".

Napatingin ako kay Duke. He was looking into somewhere far. Ganoon pa man, alam ko na nasa tanong ni Dustine ang atensyon niya. Kung hindi siya sasagot, wala akong pagpipilian.

"Nope! We're not in a relationship..." sagot ko habang nakatingin sa kanilang lahat.

Terrence was staring at me through his dimmed eyes. Parang ang hirap niyang patawanin dahil sa pagiging seryoso niya magmula pa kanina. It seems to me that he has some problem he doesn't know how to fix.

"Kung hindi kayo magkarelasyon, bakit ganoon ang password ng WiFi?" It was Elianna this time.

May ngisi sa mga labi niya na para bang kaabang-abang ang magiging sagot ko.

"We are not in a relationship..." ulit ko at matamis silang nginitian. "We are just flings. You know, hanggang two months lang."

Mula sa gilid ng mga mata ko ay naaninag ko ang mabilis na paglingon sa akin ni Duke. Binalikan ko siya ng tingin at napansin ang pagsasalubong ng mga kilay niya.

"Flings? My brother made you his fling?" Dustine sounded unsure. "But he's not fond of that."

"She isn't my fling." Duke said while staring firmly into my eyes.

Ngumuso at nilingo muli sina Dustine.

"Okay, we're not flings daw. May relasyon kami pero hanggang two months lang naman. I'll just help him forget that Ruth."

Nawala ang ngisi sa labi ni Dustine. Maging si Terrence na abala sa cell phone ay mabilis na nag-angat ng tingin sa akin. I'm sure they already know who I was talking about.

Hindi ko na ba dapat sinabi? I'm just being myself and I wanted to be transparent. Iyon naman talaga ang ugat ng lahat kung bakit kami nasa ganitong sitwasyon.

Bukod sa gusto ko siya... si Ruth talaga ang dahilan.

"Izza..." may pagsuway na tawag ni Duke.

I shrugged my shoulders and glanced at Dustine. Maging sina Elianna at Terrence ay tiningnan ko rin.

"I'm sorry. Am I giving too much information? Pasensiya na. Ganito lang talaga ako. But of course, I like him. Isa rin 'yon sa mga dahilan kung bakit kami may relasyon ng dalawang buwan."

"Why is there an expiration? Can't you just be in a relationship for more than two months?" tanong ni Terrence.

"I don't think that's possible. Dalawang buwan lang ang bakasyon ko dito. After that, uuwi na ako at tapos na rin 'yung short term relationship namin..." I laughed and glanced at Duke. "Right?"

Dumilim ang titig sa akin ni Duke. Umiling siya at nagbawi ng tingin. Pakiramdam ko pa ay naiirita siya dahil sa pagbusangot niya.

Nahuli ko si Terrence na titig na titig kay Duke. Para bang may kung anong nabubuo sa isipan niya na hindi niya magawang masabi.

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon