Chapter 5

4.1K 119 10
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

HER WICKED SMILE is already complete to read on VIPs and Patreon. Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Chapter 5

I was hoping that Duke would have some consideration and realize that he'd stay with me instead. Kaya lang, matapos niya ako tulungan ibaba mula sa kabayo ay umalis na rin siya paalis.

He only told me that I can't leave this place without him. Kailangan ay sabay kaming aalis kaya wala akong pagpipilian kung hindi ang hintayin siya. Wala rin naman akong ideya kung paano bumalik doon sa mansyon.

Huminga ako nang malalim habang bumababa sa batuhan. Maingat ang bawat galaw ko dahil maling apak ko ay siguradong madudulas ako.

"Sino ba kasing nakaisip magpunta dito?" busangot na bulong ko.

Siyempre ikaw! Kung hindi umandar iyang pagiging tsismosa mo, edi hindi ka sana nag-iisa sa talon na ito. Ano naman kung malaman mo kung sino iyong Ruth na 'yon? Wala namang magbabago. Mabuburyo ka pa rin dito sa bukid na ito.

Isang maling apak at kaagad akong dumulas sa batuhan. Naramdaman ko ang pagkakagasgas ng gilid ng hinta ko at ang paghampas ng puwetan ko paupo.

Gumuhit ang matinding sakit dahilan ng pagkakapikit ko nang mariin. I clenched my fist as I unlocked my eyes and looked down the side of my thighs.

Medyo mahaba ang gasgas doon, ilang guhit at nagsisimula na rin labasan ng dugo. Hindi ako sanay magkaroon ng sugat o ano mang gasgas dahil hindi naman ako lapitin ng disgrasya. Sadyang malumot ang mga bato at marahil ay kulang pa ang naging pag-iingat ko.

"Ang malas ko today." impit na ungot ko.

Tinampal tampal ko ang gasgas para mamanhid iyon pero walang epekto. Siguro naman ay titigil sa pagdudugo oras na maligo at magbabad ako sa talon?

Mabuti na lang rin at walang tao kung hindi ako. Walang ibang nakakita sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa tabi ng talon. Nanatili akong nakatayo doon habang nakatingala at pinagmamasdan ang magandang lugar.

Malinaw ang tubig at mas dinig ang marahas na ragasa nito. The smell of green leaves around me was inviting me to take a dip.

"Sulit na rin kahit naaksidente."

Hindi na ako nagdalawang isip pa at hinubad ang suot kong dress. Wala naman talaga akong balak magtungo dito ngayon pero mabuti na lang rin at terno naman ant underwear na suot ko.

I'm proud of my body. Sanay akong magtungo sa beach at two piece ang isinusuot. Ang sabi nila, maaga raw nahinog ang katawan ko kahit pa disiotso pa lang ako.

Revealing my black underwear in front of the trees and waterfalls, I slowly made little steps towards the water and let the coldness of it creep on my skin.

Shivers ran deep down my soul. Nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa umabot na ng dibdib ko ang tubig. Abot pa ng paa ko ang bato sa lupa. Pumihit ako paharap at pinagmasdan ang kabuuan ng lugar.

I suddenly felt like an enchantress looking at my secret kingdom. Pakiramdam ko, pag-aari ko ang lahat ng nasisilayan ko. Maging ang katahimikan... akin.

I let myself float in the water. Ipinikit ko ang mga mata ko at hindi namalayang nakaidlip sa ganoong paraan. Kung hindi pa ako nakarinig ng mga ingay at tawanan, hindi pa ako magmumulat ng mga mata.

Unfamiliar boys were descending to the rock formation. Limang lalaki at tatlong babae. Sa tingin ko ay magkasing edaran lang rin kami.

They don't look like someone who lives in this place. Their clothes are modern and stylish, mga pormahang taga siyudad. Tila mayayaman rin dahil naririnig ko na nagsasalita ng English.

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileWhere stories live. Discover now