Chapter 15

16.9K 255 3
                                    

Chapter 15

Gumising ako na bahagyang nananakit ang ulo. It's already nine in the morning. Late na kumpara sa mga oras ng gising ko nitong nakaraang araw at linggo. Minsan lang naman uminom kaya ayos lang.

It's a bit manageable anyway.

Bumangon ako mula sa kama, bagsak ang mga balikat. Tirik na ang araw at tanaw ang malawak na palayan mula sa kinaroroonan ko. Marahil ay nakalimutan ko isara ang kurtina kagabi bago natulog.

Hindi na ako nag-abala pang ayusin ang buhok ko o maghilamos man lang. I went out of my room with my hair looks like there's a bird nest on top of it.

"Miss Izza, gising ka na po pala." bati sa akin nung isang kasambahay nang makasalubong ko siya sa hagdan.

Tumigil ako at binalingan siya. May dala siyang pamunas at ilang gamit sa paglilinis.

"Kagigising lang po. Bakit po?"

"Kanina pa po kasi tinatanong ni Sir Duke kung gising ka na po. Mga tatlong beses na po siguro."

Hindi ako nakasagot, sandaling nag-isip kung bakit niya ako hinahanap. The last scene I remember last night was when he walked me till my room and asked me to rest.

I wasn't drunk. Naalala ko pa ang lahat ng nangyari kahapon. Lahat ng pinag-usapan at lahat ng asaran.

At some point, I honestly regretted telling him about those things. Na sana, mahalin niya na ako para hindi lang dalawang buwan ang pagsasamahan namin. Kung hindi ako nakainom, hindi ko rin sasabihin 'yon. I hated that those bottles of beer gave me the urge to tell him what I feel inside.

Gusto ko bawiin. Baka mamaya ay iisipin niyang talo na ako lalo pa at hinamon ko siya. Ang sabi ko pa man din, siya ang unang mahuhulog sa akin. Pero sa mga pinagsasasabi ko, halatang ako ang unang nahulog.

Pero wala na akong magagawa. Nasabi ko na. Hindi ko ugali ang magkunwari sa harap ng ibang tao. I always tell them how I feel no matter if it's embarrassing on my part.

"Bakit daw po?" tanong ko muli sa kasambahay.

Umiling siya. "Hindi ko po alam. Basta po ay nagtatanong lang siya kung nakababa ka na raw po."

"Nasaan po siya ngayon?"

"Nasa palayan po."

Tumango ako. Nagpatuloy ako sa pagbaba sa hagdan hanggang sa makalabas ng main door. Pagkarating sa terasa,  hinanap ng mga mata ko si Duke. Nasa gilid siya ng kalsada, kasama ang isang matandang lalaki. May kalayuna kaya hindi gaanong kita ang mukha niya.

Pero base sa tangkad at tindig ng katawan, alam ko na siya 'yon.

Naupo ako sa rocking chair at tamad siyang pinagmasdan. He was now walking close with the old man. Habang papalapit, unti unti na rin nagkakaroon ng linaw ang mukha niya.

Pumangalumbaba ako habang hinihintay siya. He soon found my eyes. Gumalaw ang bibig niya na tila may sinasabi sa kausap ngunit ang mga mata, hindi inaalis sa akin.

Humikab ako at isinandal ang batok sa rocking chair. Sandali kong ipinikit ang mga mata. Mas lalo ko lang naramdaman ang pananakit ng sentido ko.

I opened my eyes again only to see Duke staring intently at me. Nakatuon ang mga kamay niya sa pasimano ng terrace at bahagyang nakadukwang palapit sa akin.

"Hangover?" he asked.

I groaned and closed my eyes again. "Tell me about it."

He chuckled. "I told you to stop drinking last night. Ayaw mo paawat."

Monasterio Series 10: Her Wicked SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon