"Ja Wasso Ah Heungtan Sonyeondan

          Wasso, Wasso, Ah Heungtan Sonyeondaan,

Ja Wasso Ah Heungtan Sonyeondan,

    Heung, Heung, Tan, Tan.." 

       Sai Calling...

sinagot ko naman 'yon agad. "Miss me already?"

"Nah, asan si Athena? pwede ko ba sya makausap?" 

   "Si athena ba talaga gusto mong makausap o ako? kasi you know─" 

"Phrixus, wala ako sa mood. kaya please, pakausap kay athena. Its really important." 

   nagulat ako ng biglang naging malamig ang boses nya. Seryoso talaga sya at importante. huminga ako ng malalim, ayan kasi puro kalandian nasa isip mo phrixus.

"Wait, tawagin ko lang sya." 
    

    tumakbo ako paakyat sa kwarto nya at kinatok agad. lumabas naman sya agad na gulo gulo pa ang buhok. teka, umalis sila ni ryan kanina ah?

"Hoy! Anong nangyari sayo?"  

   "Tapos na.. Wala na.." 

"Tapos na ang alin?" 

      "Yung story na binabasa ko sa wattpad! Tapos na! Huhuhu. Nakakainis─Aray!" 

binatukan ko sya at sinamaan ng tingin. "Kakausapin ka daw ni Sai."

      "Oh? Si Ate sai? Akin na cellphone mo! dali!" 

"Psh. oh eto, sabihin mo sakin mamaya kung anong sinabi nya ah?" 

 tinanguan nya lang ako at sinarado na ang pinto ng kwarto nya. aba't, talagang walang balak iparinig sakin 'yung usapan nila? 

 Ano bang meron at parang importanteng importante 'yung paguusap nila na 'yun? May problema ba sya? Aish, manonood na nga lang muna ako ng basketball. Sumasakit na ulo ko kakaisip sa babaeng 'yun eh.

Athena's POV

      "What?! Wala akong alam sa pagmomodeling duh!"

sigaw ko sa kabilang linya, sigaw ko kay ate sai. Paano kasi sabi nya kung pwede raw ba akong magmodel ng mga gawa nilang dress and accesories. 

"Dali na athena sweety! Kailangan lang talaga namin eh, i'll treat you. Punta tayong mall? shopping tayo or anything else what you want! just please, pumayag ka na!" 
   

   "Hm, Shopping tayo. Libre mo lahat, wala akong babayaran. Papayag na ako, basta libre mo ah?" 

"Yes! Thank you! Sure, libre ko lahat. Susunduin kita dyan sa inyo, mga 1:00 ako pupunta dyan. Bye! Mwa! See you tomorrow." 

   "Okay by─" 

ay peste, naghang-up agad. Di pa ko pinapatapos magsalita, bwisit 'to. Mapapagod ako panigurado bukas. Papalit palit ng damit eh. Saka kung ano anong kaekekan ang ipapasuot sa akin.

 lumabas ako ng kwarto ko, tumingin ako sa orasan at 5:30 na ng hapon. bumaba ako at nakita ko si kuya at mom na kumakain ng ice cream.

 "Mommy! Ba't di nyo ko tinawag? Wala man lang ba kayong balak na bigyan ako nyang ice cream? Madaya kayo!" 

     kinuha ko 'yung isang baso at nagscoop agad ako ng ice cream dun sa lalagyan at sumubo. "Ang dami mo naman kumuha!" 

 "Sorry sweetie, akala ko kasi tulog ka pa kaya di na kita balak pang gisingin." 

     tumango nalang ako kay mom at sumubo ng ilang beses ng ice cream. Nakakailang kuha na rin ako sa lalagyan. 

"Hoy! dahan dahan naman sa pagkain! di 'yan tatakbo!" di ko pinansin si kuya na kanina pa bumubunganga sa akin. "Saka anong pinag-usapan nyo ni Sai? May problema ba sya?" 

"Sai? Baby boy diba 'yun 'yung babaeng niligawan mo dati na nabusted ka? nakalimutan ko na kung ano 'yung dahilan ng pagkakabusted mo." 

    napatawa ako at tumingin kay kuya na namumula na dahil sa hiya, nabusted ka pala ah. tinignan ko sya ng nakakaloko at sinamaan naman nya ako ng tingin. 

"Mommy naman eh! Wag nyo na ngang halungkatin 'yun! Dati pa 'yun!" 

 "Inlove ka pa ata. Papuntahin mo sya rito ng makausap ko kung may nararamdaman sayo. Ang tanda mo na baby boy, kailangan ko na ng apo." 

lalo pang namula si kuya sa sinabi ni mom, "Ikaw kuya ah! kaya pala gusto mong malaman 'yung pinagusapan namin kasi gusto mo pa sya. Ayie! Lumalovelife ka ah!" 

 "Ikaw baby boy ah! Kakilig naman!" 

"Shut up. Ano ngang sinabi nya sayo?!" 

    mas lalo akong natatawa sa pagkagalit nya sakin, guilty ang isang 'to. Masyadong halata. "Ang sabi nya, tulungan ko daw sya kung paano magsorry sa boyfriend nya." 

   "Aww. Wala ka na palang pag-asa baby boy eh. Hanap ka nalang iba. Marami ka namang magiging forever dyan sa tabi tabi."

"tss. sana di sya patawarin nun." 

       bigla nalang tumayo agad si kuya at umalis na dala dala pa rin 'yung baso nya. pati na rin 'yung lalagyan ng ice cream.

"Kuya! Ibalik mo dito 'yung ice cream! Nagmamahalan kami!" 

  "Penge akooo!" biglang sulpot ni zharm. 

kinuha nya kaya kuya 'yung lalagyan ng ice cream at tinignan 'yung loob nun at tumawa ng pangwitch. 

  inirapan naman ako ni kuya at naglakad na palayo. Nagkatinginan kami ni mom at pinagdikit namin ang mga daliri namin at ginalaw galaw 'yon.

"Anmeron tita?" 

      "Inlove si Phrixus." 

nagliwanag naman mata nya. May pang-asar na rin sya katulad ko, haha. Nagkatinginan naman kaming tatlo at humagikgik. 

  "Nice one sweetie!" 

    "I know mom!"

"Finally! May pang-asar na tayo." 

"Hihihi." sabay naming sabi at tumawa ng malakas.

The Nerd's Revenge ❘ ✔Where stories live. Discover now