31

114 60 2
                                    


Inihiga nina Acxius at Bryx si Mythrill sa isang kama saka inayos ang pwesto nya roon.

“bakit ba kailangan pa nating kupkupin yan dito?” kunot noong tanong ni Acxius saka hingal na tumingin sa amin.

Halatang ayaw nitong narito si Mythrill.

Hindi namin siya dinala sa dorm kung saan kami tumutuloy kundi sa dati naming dorm.

Maayos pa naman ito, malinis at kumpleto rin ang mga gamit kung kaya maaari syang manatili rito hanggang sa gugustuhin ni Takeshi.

“ano ba Acxius huwag ka ngang maging selfish dyan, kung tutuusin nga ay wala naman talaga syang kasalanan eh” seryosong saad ko. “inosente sya at nadamay lang sya rito kaya dapat natin syang tulungan!” kumunot ang noo ko.

“look, ang sinasabi ko lang naman ay—”

“shut the hell up, don't argue in front of me and don't question my decisions Acxius” seryosong saad ni Takeshi na walang buhay na nakatingin kay Acxius. “I know what I'm doing” mariing ani pa niya.

Napangiwi naman ito at nagtatakang tumingin kay Takeshi.

“Ano ba kasi ang plano mo sa kanya Takeshi? tutulungan ba natin yang mokong na yan?” kunot nong taong ni Jasmin. “After what he did? he's a bastard Takeshi, don't forget about it” iiling iling pa siya.

Napatingin naman ako sa kanya.

“Jasmin watch your word, malamang tutulungan natin sya katulad ng pagtulong namin sa iyo, kina Axerylle at sa iba pa” diretsong tugon ko sa kaniya. “hindi naman porket inampon yong tao eh wala na syang karapatang mabuhay, oo ampon sya, sampid lang pero it doesn't matter kung gusto mo talagang tulungan yong tao” dagdag ko pa.

“ayaw nya sa atin Hyacith, sabi nga rin niya totoo sya kay Mr. Haruki at hindi imposibleng makakuha sya ng impormasyon sa atin upang maibigay kay Mr. Haruki upang muli siyang tanggapin” mariing tugon ni Jasmin. “baka mamaya nga ay dahil pa sa kanya kaya tayo mapapahamak!”

Iniisip kaagad niya ang mga maaaring mangyari ngunit sa tingin ko ay nararapat muna naming tulungan si Mythrill lalo na at sya ang dehado rito.

Wala siyang ginawang mali, wala syang kasalanan. Inosente sya.

Ginamit lang namin sya upang hindi kami maparusahan at kasama na roon ang makaganti kay Mythrill.

Makaganti kay Mythrill? bigla kong natanong sa aking sarili, ano ba ang kasalanan nya?

Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon saka tiningnan si Mythrill.

Wala pa rin itong malay. Hindi lang suot nya ang napunit kundi pati na rin ang kaniyang binti.

Nabiyak iyon at nagdurugo. Makita ko pa lamang ay nasasaktan na ako sapagkat halos makita na ang laman niya. Para itong punit na sugat na kailangang tahiin.

“Listen everyone, we need him, we can use him or.... we can make him an ally, I'm sure he knows about the plan of Haruki, he might know where is the Laboratory... he can be a good asset” seryosong saad ni Takeshi na tila malalim ang iniisip. “he will be useful”

Tama sya. Maaari naming maging kakampi si Mythrill ngunit kailangan namin siyang makubinsi.

“it’s either he will be an ally or..... enemy” saad ni Bryx saka ito tiningnan.

“Sa tingin ninyo magiging kakampi pa natin ang bastardong yan? Nasisiguro kong pipiliin pa rin nya si Mr. Haruki sa kabila ng ginawa nito sa kaniya” kunot noong saad ni Acxius. “ama nya pa rin yon at mayroon siyang utang na loob doon kaya paniguradong kahit ipagtabuyan sya ay lalapit at babalik pa rin sya roon” mariing ank pa niya.

SECTION 13 Where stories live. Discover now