11

247 179 14
                                    


"Ano ba kasi ang nangyari Acxius?" kunot noong tanong ni Forex habang hinihilot hilot ang kaniyang sintido.

Pinsan siya ni Ichi- Takeshi. Kasama nya si Aerox na matalik naman na kaibigan ni Acxius.

Narito kami sa Clinic kung saan dinala sina Acxius maging si Takeshi. Isa itong private room na kasya ang dalawang pasyente, mayado pa itong malawak at malaki. Kumpleto ang mga gamit dito at mayroon ring isa pang kama na maaaring tulugan katabi ang sofa na sa harap ay may lamesa.

Nakatingin lamang ako kay Takeshi na wala pa ring malay. Sabi ni Doc Byron ay maayos na si Acxius habang si Takeshi ay nananatiling unconscious dahil sa dami at lalim ng saksak na natamo nito. Mabuti na lamang at walang organ ang natamaan.

"Pre ikwento mo nga sa amin kung ano ang nangyari, paano kayo nasaksak ni Takeshi? bakit ganyan ang ginawa sa kanya?" mahinahong ani ni Aerox.

Matapos ang mga nangyari ay ngayon lamang ulit nagpakita ang dalawang ito, kung wala pang nangyaring masama sa dalawa ay paniguradong hindi sila magpapakita.

Marahil ay dahil busy sila sa kani-kanilang gawain lalo na at college ang mga ito rito sa Unibersidad.

"hindi ko alam na may galit pa rin pala sila.... hindi ko alam na narito pa rin sila" malumanay na usal ni Acxius kaya naman napatingin ako sa kanya.

Ano ang sinasabi nya? sinong sila? bakit sila galit? anong mayroon?

Kunot noo akong napatingin sa kanya habang hinihintay siyang magpaliwanag.

"ang grupo ni Axerylle... tumambay ako sa likod ng building para magpahinga ngunit nagulat ako nang makita sila. Hindi ko alam kung saan sila nagmula dahil nakatalikod ako nang maramdaman kong hinampas nila ako ng tubo" salaysay niya saka tumingin sa amin.

Nakatingin lamang sa kaniya ang dalawa habang naghihintay ng susunod nitong sasabihin. Gustong gusto ko malaman ang totoong nangyari, hindi ito deserve ng dalawa.

"Kasama ni Axerylle sina Kim, Vyx at Lloyd. Mabilis ang naging pangyayari, inatake nila ako at naramdaman ko na lang na nasaksak na pala ang tagiliran ko. Dumating sa puntong tinutukan ako ni Axerylle ng kutsilyo sa leeg at napapikit ako non ngunit ilang segundo ang lumipas ay wala akong naramdaman dahil....... biglang dumating si Takeshi" seryosong ani niya saka ito tiningnan. "noong una ay hindi ko alam na siya yon dahil nakasuot siya ng maskara nagkaroon sila ng sagutan ni Axerylle kasunod ng pag-atake sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi siya lumaban, hinayaan nya lang sila na gawin yon sa kanya" kitang kita sa itsura niya na siya ay naguguluhan sa nangyari.

Hindi ko rin maintindihan, alam kong kayang kaya silang labanan ni Takeshi ngunit bakit mas pinili nyang masaktan sya kaysa saktan sila? Bakit nya inilagay sa panganib ang buhay niya gayong makapangyarihan siya?

"nang mapaluhod si Takeshi dahil sa pagkakasaksak sa kanyang binti ay tinanggalan nila sya ng maskara. Noong mga oras na yon ay tila nabuhusan sila ng napakalamig na yelo at napako sa kani-kanilang pwesto. Kitang kita ko kung paanong namilog ang kanilang mata nang makita kung sino ang lalaking nasa harap nila" ani niya saka tinapunan ng tingin si Takeshi. "namutla sila at unti unting napaatras pagkatapos non bigla na lang sila nawala sa aming harapan" dagdag pa niya.

"sa hindi ko malamang dahilan ay pinauna ako ni Takeshi, hindi ko alam kung anong ginawa nya. Matagal bago siya nakasunod sa akin"

"teka, bakit nagkaroon ng away sa pagitan ninyo ng Axerylle at mga kasama niyang iyon?" nagtatakang tanong ni Forex saka seryoso siyang tiningnan.

Matagal bago nakasalita si Acxius. Tila pinag-iisipan pa nito kung sasabihin ba niya o hindi.

He let out a heavy sigh and then he clear his throat bago magsalita.

SECTION 13 Where stories live. Discover now