01

362 204 5
                                    

"Guys!" hingal na hingal na wika ni Saji habang nakatayo sa pinto. Pawis na pawis at nakahawak ito sa kanyang tuhod, nakayuko't naghahabol ng hininga.

"why are you gasping Saji? what happened?" nagtatakang tanong ni Xiana.

"malamang hinahabol nanaman yan ng mga babae sa labas, as usual" tatawa tawang saad ni Pierre.

"siraulo! it's a serious matter" agad na tugon ni Saji.

Dumiretso ito sa lamesang nasa harapan kaya naman nagsitumpukan rin doon ang iba pa naming kaklase.

"so, what's the tea?" tsismosa talaga itong si Xyreign.

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Saji bago tuluyang magsalita.

"si Jasmin ng Section 1 natagpuang patay sa cr ngayong umaga" saad nito saka sunod sunod na lumunok.

Ramdam ko ang pagtayo ng aking balahibo maging ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Kitang kita ang gulat at takot sa mukha ng bawat isang narito sa loob ng silid sa balitang iyon na pinakawalan ni Saji.

"can you please stop pranking us? it's not funny" saad ni Xyreign.

"and why would I do that? hindi ako nagbibiro Xyreign lalo na at patay ang pinag-uusapan dito" tugon ni Saji. "kung ayaw mong maniwala, kung ayaw nyong maniwala go ahead puntahan nyo roon para makita nyo at malaman nyong totoo ang sinasabi ko" dagdag pa nito.

"tell us what happened" walang buhay na saad ni Ichiro.

Diretso lamang itong nakatingin kay Saji habang nakacross arms.

Tumingin muna sa paligid si Saji bago tuluyang magsalita.

"pumunta ako sa lugar kung saan mayroong nag-uusap tungkol sa nangyaring yan at ayon sa narinig ko ay nagpaalam lamang daw ito na magbabanyo hindi na daw siya nagpasama dahil sandali lang naman daw sya roon ngunit isang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin sya nakakabalik kaya naman dahil sa pag-aalala sinundan na sya doon ng mga kaibigan nya ngunit walang buhay na Jasmin na ang natagpuan nila" salaysay nito. "nakitang mayroon siyang saksak sa kaliwang dibdib nya, nilaslas rin ang kanyang leeg napuno ng dugo ang banyong iyon at ngayon ay nakasarado na ito" dagdag pa niya.

"scary!"

"omg, if that's really true ayaw ko na lang pumunta sa cr"

"ako rin, nakakatakot yon baka hindi na'ko makalabas ng buhay"

"I would rather die sa u.t.i kaysa mangyari sa'kin ang ganon"

Bulungan ng mga kaklase namin matapos marinig iyon. Nanlalamig ako, patuloy pa rin ang pagtayo ng aking balahibo batid kong nakakaramdam ako ng takot at gulat matapos marinig ang mga iyon.

"ano ang sabi ng mga professor at ng mga heads?magkakaroon ba ng imbestigasiyon?" nagtatakang tanong ni Xyreign.

"Oo nga, are they investigating?" tanong ni Xiana. "ofcourse they will, right? they need to find out who's the person who killed Jasmin" dagdag pa nito.

"sorry, sad to say this but they don't do anything I am not sure if they will do something about this" dismayadong tugon ni Saji.

Agad na kumunot ang noo ng aming mga kaklase nang marinig iyon.

"seriously? may namatay nanaman pero wala pa rin silang ginagawa!" bakas ang inis sa tono ng pananalita ni Hailey. "Ilan pa ba ang kailangan bawian ng buhay bago sila magsikilos!? naturingan pa namang mga guro pero mga wala silang kwenta!"

"enough Hailey wala ka rin namang magagawa, kahit ano pang sabihin nyo dyan it doesn't make any sense at hindi na rin maibabalik ang buhay nong Jasmin" mataray na saad nang kakapasok lang na si Rovainne. "And in fact, she deserves it" nakangising dagdag pa nito.

Section 13 Where stories live. Discover now