Chapter 22

385 26 11
                                    

Pag katapos kong mag training ay lumapit sa akin si daddy.

 




“That's it for today, you did a great job anak”, he pat my head as he say those words, i'm glad that he think that I did a great job today kase sa susunod hindi ko na iyon uulitin.. Charot.



 

“Thank you for today Dad”, and then pumasok na kami sa loob.

 





“Madame, kumain ka muna”,sabi sakin ng isang katulong na babae.

 






“Later”, ang tanging sinabi ko at pumunta naman ako agad sa aking kwarto upang makapaligo na dahil feeling ko amoy kalabaw na ako. Mag Hapon banaman kaming nag training at ang tanging pahinga lang ay ihi at lunch.








Tuwang tuwa ako ng madatnan kong nakaayos na ang aking pampaligo, nag babad ako agad sa bathtub na may maligamgam na tubig at rose petals.

 





“Unang araw palang parang gusto ko na agad sumuko sa hirap ng pinapagawa sakin ng aking ama”, pinikit ko nalang ang aking mata para mas makapag relax pa ako ngunit may biglang kumatok sa pintuan ng banyo ko.

 





“WHAT?! “, malakas na sigaw ko dahil sa inis.

 






“Bilisan mo para makakain na tayo”, bwiset na Urijah na iyan panira talaga kahit kelan!

 




MAUNA NA KAYO, SUSUNOD AKO”, sigaw ko muli.

 




“Alam mo naman si tito, hindi kakain pag wala ka pa kaya bilisan mo nalang gutom na gutom na'ko, VIP kaba ha?! “, aish bwiset!

 



Binato ko nalang yung bote ng sabon sa pintuan ko, at narinig ko naman syang tumatawa. Lintek yon pasok ng pasok sa kwarto ko na hindi manlang nag sasabi gusto ata nito na atakihin ako sa puso eh.

 




“Ok Delancy, no choice ka girl tumayo kana dyan at maligo ka na”, sabi ko sa sarili ko at tumayo na ako at naligo na, binilisan ko narin ang pag bihis ko at ang sinuot ko nalang ay ang magkaterno na pajama na may print na unicorn HAHAHAHHA.

 




Pag kadating ko sa hapagkainan ay naabutan ko ang aking ama na nakaupo na akala mo presidente at ang pinsan kong may kausap na isa pang lalaki na hindi ko naman kilala. Infairness ang gwapo parang pwedeng maging boyfriend ko, yes po pwede.

 





Pagka tingin sa akin ni Urijah ay kulang nalang na ibuga nya yung lungs nya kakatawa sa akin.  

 



Di ako maka banat ng pang iinsulto ko sakanya dahil may katabi syang pogi at yun yung future ko hays, kaya naman ay nag make face nalang ako at umupo na sa tabi ni daddy.

 




“Let's eat”, sasandok na sana ako ng pagkain ko ngunit biglang may nag pray.

Villainess is MeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ