Chapter 3

722 47 5
                                    

Pag katapos kong ma encounter ang isa sa mga taong papatayin ako balang araw, ay umuwi nadin kagad ako. Nako ayaw ko nang makakita pa ng isa pa. Tama na sya.

Nandito ngayon ako sa office ni Dad dahil pinatawag nya ako sa hindi ko malamang dahilan.

“Hi Dad, bakit nyo po ako pinatawag?”,  nag tatakang tanong ko. Tumingin naman ito sa akin at ngumiti.

“Well, dumating na ang sulat galing sa New Moon Academy”, New Moon Academy?  You mean the most prestigious school here in Arcane? Nice one Delancy matalino ka nga talaga.

“What’s with the letter?”, kunwari hindi ko alam pero ang totoo nyan alam kong naka pasa talaga si Delancy sa School na yan kase nga matalino sya.

“You passed the entrance exam anak, i'm so proud of you. And since you passed it want do you want anak? Anything… I will give it to you”, Ang makabalik ako sa totoo kong katauhan, kaya nyo po ba iyong gawin? Chareng syempre hindi.

“Since it's kinda malayo here in our mansion, what if a car dad? Is it ok?”, Oh diba mejo makapal den ang muka. Delancy, kung naririnig mo man ang mga sinasabi ko, sorry na, para rin naman sayo ito noh.

“If that's what you want then I will give it to you tomorrow”, naka ngiting saad nito. Grabe kala ko panaman aabutin ng weeks or months pero shala mhie ang yaman nga talaga nila.

“Thank you daddy! You’re the best”, niyakap ko sya. At sa pag kakayakap ko yun para bang may humaplos sa puso ko. Delancy ikaw ba yan? Kase kung ikaw nga iyan gusto ko lang sabihin na mahal na mahal ka talaga ng tatay mo.

“I know i'm the best, by the way anak your class will start on Monday and it's 2 days from now. Your uniform is in your room and also your things that you need in school, I will give you your black card on Monday and always remember that i'm so proud of you anak and also your mom”, Wow black card!!! Gagi ang yaman! Alam ko namang mayaman ako sa past life ko pero ibang klase ito. Sobra sila sa kayamanan. At salamat at nababasbasan ako BWHAHHAHA.

“I love you, Dad”, hindi ko alam kung bakit nalang nasabi ko ito, for sure eto na yung dati pang gustong sabihin ni Delancy sa tatay nya. Nakita ko namang ngumiti ito at lumapit sabay yakap sa akin. It's so warm, parang yakap talaga ng totoong tatay ko. I miss him so much.

“I love you more”, kumalas na ako ng yakap at nginitian na sya. Pag katapos ng pag d-drama namin ng aking ama ay nag paalam na ako sakanya na pupunta na ako sa aking kwarto.

Wow… Gagi yung uniform ko 20 pieces, yung bag ko sampo naman iba't iba yung design and colors. May shoes den ako pang school thank God may takong sya, hindi ako sanay sa flat lang. Sorry kikay ako.

Villainess is MeWhere stories live. Discover now