Chapter 14

520 50 3
                                    

“So, pupunta ka bukas insan?”,  nandito kami ngayon sa hallway ng school, nag lalakad papasok sa classroom namin. Medyo malayo pa yung building ng pinsan kong si Urijah pero ihahatid nya muna daw ako.

“Yes, sabi ni Dad. Wala naman akong magagawa”, huminga ako ng malamin pag katapos ko syang sagutin.

“What if wag na tayo pumunta? Sabihin natin naaksidente tayo”,  napatingin naman ako sakanya dahil sa sinabi nya. Luh beh ba't ka nandadamay?

“Ikaw nalang bakit ka nandadamay?”,  sabay irap ko sakanya.

“Kagabi pa kayo ni Tito, nag tatampo na talaga ako..hmp”, luh nag papa cute pa kala mo namang cute. Narinig naman iyun nung mga babaeng nakasalubong namin at bigla silang tumili at namula. Tuwang tuwa naman yung pinsan ko at nag flying kiss pa. Eww!

“May narinig din akong chismis, the party is exclusive. Parang 5 families lang na malalapit sa kavinsky ang invited. That's why na invite tayo. And ayaw ni Thorne ng maraming tao kaya for sure konti lang ang tao”, mag kasama naman kami simula kahapon hanggang ngayon pero saan sya naka hanap ng chismis? Kakaiba din ito eh.

“Chismoso ka pa ngayon. Pano mo naman nalaman na ayaw ni Thorne sa mga tao?”, hehez makiki chismis nadin.

“Chismoso daw ako pero ikaw din naman, Chismosa! Anyway, hindi paba halata? Si Thorne Kavinsky iyon. And pag nasa party na tayo lumayo layo ka sakanya”, bigla naman syang nag seryoso na pinag tataka ko. Well, kahit naman hindi nya iyon sabihin lalayo naman talaga ako..duh.. Takot kaya ako don! Kahit wala syang ginagawang masama kay Delancy sa book eh, nakakatakot parin sya. Ang rami kaya nung pinatay at tinorture na tao.

Villainess is MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon