Chapter 9

586 51 3
                                    

“So, you are just my driver?”, nandito ako ngayon sa sasakyan ng lalaking ito. Natawa ako sa sinabi ni Dad kanina na hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan, tawagin banamang totoy ang isang Alistair eh. Sinong hindi matatawa?

“Do I look like a driver to you?”,  tumingin ito sa akin habang nag d-drive parin. Actually mas muka ka pong bf ko, chos!

“Yes…Hala joke lang! Sa pogi mong yan kahit basureso hindi kita pag kakamalan Mr. King”, pag ka yes ko palang parang gusto na nya akong saktan eh kaya joki joki lang kako. Hehe, well atleast buhay pa ako.

“As I said last time, it's Alistair for you”, ay ano nanaman kayang masamang espirito ang sumanib sa siraulong ito? Ayaw nya nga mag patawag sa pangalan nya eh tapos gusto nya tawagin ko sya sa name nya. Feel ko ginawa nanaman nyang vape yung air purifier. BWHAHAHHAHA.

“Y-yes”, muntik pa akong natawa dahil sa mga kalokohang pumapasok sa utak ko. Feel ko naman hindi nya yun napansin dahil tahimik lang sya.

Naloloka ang buong pagkatao ko dahil napaka haba ng byahe saan ba iyang palace ng mga Kavinsky nayan? Napaka layo road to heaven na ba ito?

Ilang minuto ang lumipas mukang narinig ni Lord ang panalangin ko nakakaaninang na ako ng napaka gandang gate, kumikinang ito at maraming pumapasok na iba't ibang sasakyan, feel ko eto nayun! At tama nga ako at dito kami pumasok ni Alistair, nag stop muna sya sa tapat nung guard at binuksan ang bintana ng sasakyan nya. Pag kakita sakanya nung guard ay nagulat pa ito, at mas nagulat pa nung nakita nya ako.

“Uhh, pasok na po kayo Mr. King and Ms. Black”,  luh yun na iyon? Walang ipapakitang card? Astig ah!

“W-wow”, hindi ko mapigilang mapa “wow” sa ganda ng lugar na ito, yung paligid puro bulaklak at puno, may fountain pa na kulay gold.  And last, ang palace ng Kavinsky, napaka ganda at napaka laki naman talaga!!

“Tss, it's not that pretty”, luh? Hindi pabayan maganda for him? Sabagay nga naman ang yayaman nyong mga hinayupak kayo! Share your blessings sana.

Pumarada mismo si Alistair sa may harap ng hagdanan ng Palace, pag katapos ay lumabas na ito. L-luh iwan banaman ako? Ay… joke lang pala, binuksan nito ang pinto ko na ikinagulat ko.



THIRD PERSON'S POV

 

 

Lahat ng tao ay napatingin sa sasakyang pumarada mismo sa daanan papuntang Palace, nagulat naman sila nung lumabas ang isa sa mga kinakatakutan at isa din sa pinaka gwapong lalaki na naninirahan dito sa Arcane, si Alistair.

Ang mga tao ay dali dali syang kinuhanan ng litrato sa iba't ibang ang gulo, pero napatigil din ito dahil sa kanilang pag tataka, umikot ang lalaki sa kanyang sasakyan at unti unting binuksan ang pintuan ng front seat.

Elegante namang lumabas ang isang napaka gandang dalagita sa sasakyan. Nagulat din sila nung inabutan ni Alistair ng kamay ang anghel na , nagulat sila dahil alam ng mga tao ang ugali ng isang King, wala itong respeto sa kahit kanino kaya naman ang simpleng pag bukas ng pinto at pag abot nito ng kamay ay malaking issue na sakanila. Pag labas nung babae ay tumingin ito sa kanila at nginitian sila ng nakakasilaw na ngiti, ito na ang sign nila para ilabas ang mga camera at simulang picturan ang dalawa.

DELANCY'S POV

I think mali ang pag ngiti ko sakanila, bigla bigla silang nag wala at pinicturan kaming dalawa, masyadong nakakasilaw ang mga flash nila.

Villainess is MeWhere stories live. Discover now