Chapter 8

603 50 5
                                    

“Good day Madame, I'm Stella. Your own personal maid. Pinili po ako ng Daddy nyo para samahan kayong mamili ng damit para bukas, at simula po sa araw na ito ay makakasama nyo na po ako upang pag silbihan kayo”, yumuko naman ito bilang pag galang sa akin. I sense something in her aura. I sense power. I know her, lumabas sya sa libro isa sya sa nag tatanggol kay Delancy lalo na pag may taong gustong pumatay dito katulad nalang ni Alistair at Ambrose. Sa kasamaang palad, namatay itong si Stella dahil sa pag tatanggol sa amo nya.

“It's nice to meet you Stella, please take care of me”, nakangiti kong pahayag. Magaan ang loob ko saknya dahil alam kong kahit kelan ay hindi nya ako tatraydurin. Nakita ko naman ang gulat sa kanyang muka dahil sa pag ngiti ko saknya. Normal na sa akin ito, dahil lahat ng tao dito tingin kay Delancy ay masama ang ugali at spoiled.

Nandito na ngayon kami sa mall upang mamili ng damit na susuutin ko para bukas. Una muna kaming namili sa malapit sa amin na store, puro magaganda ang nandodoon pero hindi ko naman type. Hanggang sa naikot na ata namin ang buong store ng mall pero wala parin akong mahanap na damit para sa akin.

“Madame, may isang store pa po tayo na hindi pa napupuntahan. Ayun po”, turo nya sa store na katapat namin. Dali dali naman kaming pumunta doon at buti nalang ay walang taong nadodoon , kahit isa. Napukaw ang atensyon ko sa isang gown na kulay pula. Hindi malalim ang v neck nito pero may slit den at backless. Hindi kaya ginawin ako diyan?

“Ma’am, gusto nyo po ba iyon isukat?”, napatingin naman ako sa isang sales lady na kumausap sa akin habang nakangiti. Tinanguan ko naman sya at kinuha na yung damit.

“This way po ang fitting room”, tinuro nya ang isang pinto doon sa may gilid, pag pasok ko ay bumungad sa akin ang isang napaka laking salamin.

Habang sinusukat ko ito nakita ko naman ang ka sexyhan ni Delancy, napaka kinis ko naman OMG napaka lambot ng balat ko at napaka puti din, baka isang kurot lang sa akin ay mamula na ako. Sa pag kausap ko sa sarili ko hindi ko na namalayan na naisuot ko na pala ang gown.

Hulmang hulma ito sa aking katawan na akala mo ay ginawa talaga ito para sa akin. I look so ethereal. Big word but that's the only one that can describe me. Pak, inlove na ako sayo Delancy.

Lumabas naman ako para ipakita sakanila ang ityura ko, namula naman ang tenga ni Teo kahit wala itong reaksyon, si Stella naman ay ngumiti ng malawak at ang sales lady naman ay napapalakpak sa sobrang tuwa.

“D-do I look stupid?”, kay Teo talaga ako tumingin kasi parang malalim ang iniisip nito. Nakita ko naman syang siniko ni Stella at sinamaan ng tingin.

“Stupid? You look perfect as always my lady. But it makes me feel unhappy by seeing you like this.”, napa nganga naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Teo. G-gusto nya ba yung damit ko? Hindi ba bagay sakin? Baka bet nya ito? What the hell na guguluhan ako!

Villainess is MeWhere stories live. Discover now