"Anong ginagawa mo?" Tanong ng lalaki

"Bro, huwag naman ganyan. Huwag mo namang harasin ang babae." Sagot ko.

"Harasin? Hindi ko siya hinaharas. Girlfriend ko siya."

"Ex-girlfriend!" Pasigaw na sabat ng babae.

"Umalis ka diyan at huwag mo kaming pakialaman." Galit na utos ng lalaki sa akin.

"Ikaw ang umalis!" Sabi ko.

"Ano?" Gulat na tanong ng lalaki.

"Ikaw ang umalis kung ayaw mong isumbong kita sa bouncer para siya na ang kumaladkad saiyo palabas dito."

Napatingain ang lalaki sa babae tapos sa akin sabay sabi ng "Hindi pa tayo tapos."

Umalis ang lalaki at tinanong ko naman ang babae kung okay lang ba siya.

"Oo salamat. Ex ko ang lalaking iyon. Sinundan ako dito at gustong makipagbalikan pero ayaw ko na." Sabi ng babae.

"Kung sakaling bumalik siya mamaya at guluhin ka ulit niya, tumawag ka lang ng bouncer."

"Sige. Salamat ulit saiyo."

Iniwan ko ang babae at bumalik sa aking mga kaibigan. Nagpatuloy kami sa kwentuhan at inuman hanggang sa naisip kong lumabas muna para makapagpahangin. Parang nalulunod narin kasi ako sa lakas ng music sa loob ng bar.

"Sa wakas lumabas karing g*go ka!" Narinig ko na sabi mula sa aking likuran. Tiningnan ko ito at nakita ang lalaking nanghaharas sa babae kanina. May kasama na siyang tatlo pa na siguradong mga kaibigan niya.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

"Diba sabi ko hindi pa tayo tapos?"

Bigla akong kinabahan. Parang alam ko na kasi kung ano ang mangyayari. Isa-isa kong tiningnan ang mga lalaki sa aking harapan hanggang sa nagulat ako ng may malakas na tumama sa aking mukha at ako ay natumba sa lupa. Nasuntok ako! Sinuntok ako ng lalaking nakaalitan ko kanina.

"Tumayo ka." Utos ng lalaking sumuntok sa akin.

"Tumayo ka. Nagsisimula palang tayo boy." Sabi naman ng isa sa mga kaibigan niya.

"Ang daya naman. Apat laban sa isa? Nagpapatawa ba kayo?" Sabi ng isang boses mula sa madilim na side kasunod nito ang yapak ng mga paang naglalakad. Palapit ito sa amin. Palapit ng palapit hanggang mula sa liwanag ng mga ilaw ay nakita ko si Kendric.

"Kendric? Bakit ka nadito?" Tanong ko pagkatapos ay dahan-dahang tumayo.

"Magkakilala kayo? Kung ganun, apat laban sa dalawa na." Nakangiting sabi ng lalaki.

"Charley, okay kalang?" Tanong ni Kendric sa akin.

"Nasuntok ako sa mukha. Sa tingin mo okay lang iyon?" Pabalik kong tanong.

"Mga bro, mukhang masaya ito." Narinig ko na sabi ng lalaki sa kanyang mga kasama.

"Anong gagawin natin?" Tanong ko kay Kendric.

"Sa kanan o kaliwa?" Tanong din ni Kendric sa akin. Inisip ko na ang ibig niyang sabihin ay kung saan ang lalabanan ko. Ang dalawang nasa kanan o ang dalawang nasa kabila. Tapos sa kanya na ang iba.

"Kanan." Sagot ko.

"Okay! After three." Sabi ni Kendric.

"Okay." Sabi ko.

"One... two... Three!"

Nagulat nalang ako ng biglang tumakbo si Kendric sa street na nasa aking kanan. Nagtawanan ang apat na lalaking nasa aking harapan hanggang sa biglang bumalik si Kendric.

"Bakit nakatunganga kalang? Takbo na!" Sabi ni Kendric sabay hawak sa aking kamay at hinila ako patakbo.

"Tatakas kayo ha! Humanda kayong dalawa kapag naabutan namin." Pasigaw na sabi ng lalaki tapos ay hinabol kami.

__________________________________________

Nagtago kami ni Kendric sa mga halaman na nasa gilid ng isang gusali. Nakaupo kaming pareho at hinihingal dahil sa pagtakbo.

"Bakit hindi ka tumakbo kaagad kanina? Diba nagkasundo tayong after three?" Tanong ni Kendric sa akin.

"Akala ko, after three ay lalaban na natin sila. Hindi ko naman akalaing tatakbo pala. Tinanong mo pa ako kung saan ang lalabanan. Sa kanan ba o kaliwa."

"Hindi ah. Ibig kong sabihin, kung saang street tayo tatakbo. Sa kanan o kaliwa."

"Hindi mo naman kasi nililinaw." Sabi ko.

"Given na kasi iyon. Sino ba kasing sira ang makikipag-away eh apat sila at dalawa lang tayo."

"Sa tingin mo, nakasunod kaya sila sa atin?"

"Hindi ko alam." Sagot ni Kendric.

"Sisilipin ko."

Dahan-dahan akong sumilip at nagulat ng makita ang mga lalaking humahabol sa amin na papalapit na. Agad kong tinulak si Kendric pahiga para mas maitago. Sa sobrang taranta ay pumaibabaw na ako sa kanya na parang nakapush-up position. Nasa magkabilang gilid ng kanyang balikat ang aking mga kamay habang ang mga tuhod ko ay nakaluhod sa pagitan ng kanyang mga hita.

"Bakit?" Tanong niya.

"Shhh! Nandiyan na sila sa malapit."

Pareho na kaming hindi nagsalita ni Kendric. Tanging tunog ng bawat paghinga lang namin ang aking naririnig hanggang sa may nagsalita ng "Siguradong nandito lang sila at nagtatago."

Biglang hinawakan ni Kendric ang aking magkabilang beywang at hinila palapit sa kanya. Mula sa pagkakaluhod at push-up position ay literal na akong nakadapa at nakapatong sa kanyang katawan.

"Anong ginagawa mo?" Bulong na tanong ko.

"Baka makita ang likod mo."

Sobrang lapit na ng mukha namin at kunti nalang ay maghahalikan na kami. Bigla ko ulit naramdaman ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Bakit ganito? Bakit ang takot na kaninang nararamdaman ko ay biglang napalitan ng saya? Bakit parang gusto ko itong nangyayari ngayon? Bakit gusto ko na sana ay hindi na matapos ito? Bakit? Sa mga oras na ito ay parang unti-unti ko ng nalalaman ang sagot. Alam ko na kung bakit naiinis ako kay Charlene. Hindi dahil sa siya ang dahilan kung bakit kami nagkaroon ng issue ni Kendric sa university. Alam ko narin kung bakit nagagalit ako kay Kendric kapag lagi niyang nababanggit ang pangalan ng babae. Ngayon parang alam ko na. Hindi... Hindi lang parang. Alam ko na talaga ang sagot. Nagagalit ako dahil nagseselos ako. Nagagalit ako dahil... dahil gusto ko na si Kendric.

A THIN LINE BETWEEN LOVE AND HATEWhere stories live. Discover now