32

478 16 1
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.










CHAPTER THIRTY-TWO




NIYAKAP ni Donna ang kaibigang Doctor ng pagkatapos niyang ipaalam dito na hindi na niya itutuloy ang balak niyang pagpapalaglag sa bata.

"I'm really glad you changed your mind." nakangiti nitong wika sa kanya. "Looks like Mr. handsome helped you a lot, you look much better now."

Napailing si Donna pero napangiti na din siya sa sinabi ng kaibigan, "I did a lot of thinking and I realize na walang kasalanan ang bata and it's my fault hindi ako nag ingat."

"You'll be a great mother and you have a good partner right there." ngumiti ang kaibigan niya habang nakatingin kay Silver. "I was a little worried when I saw him following you but one of my coworker told me he knows him ." asar nito sa kanya.

Kumunot ang noo ni Donna at nagtaka sa sinabi ng kaibigan, "He knows Silver?"

"I can't believe when he told me Silver is the first grandson of the---" natigilan ang kaibigan niya sa pagsasalita ng may sumigaw na nurse sa may entrance ng hospital at parang natataranta. "Sorry, I have to go- emergency." mabilis na tumakbo ang babae pabalik sa loob ng hospital.

Napailing si Donna, she got curious pero sandali niya yung nakalimutan ng makita niya si Silver na may tinitingnan sa phone nito.

Nilapitan niya ang binata na agad ngumiti sa kanya ng makita siya.

"Let's go?" wika ni Silver na agad binaba ang phone ng makita siya. "Do you want to go shopping or do you wanna do something you like?" he held her hands habang naglalakad sila patungo sa kotse.

"May kakilala ka ba na Doctor sa hospital na yun?" mayamaya ay tanong ni Donna at pumasok sa nakabukas na pinto ng kotse.

Silver held the door at sandaling nag-isip, "May pinsan ako na Doctor dito pero hindi ko alam kung saan na hospital." sagot ni Silver  bago inayos ang seat belt niya. "May question ka pa? Bakit anong nangyari?"

Umiling si Donna at ngumiti, "Nothing really, I want Paella and Churros."

"As you wish." nakangiting wika ni Silver bago ito sumakay sa driver's seat at pinaandar ang kotse.

Donna forgot about what her friend said dahil sa dami ng ginawa nila ni Silver ng araw na yun, she spent almost three of her monthly pay check for just clothes that she really find cute at mga damit ni Silver na sa tingin niya ay babagay dito.

It became her habit to buy him things.

"You can actually spend my money." wika ni Silver ng nasa counter na sila at babayaran na niya ang nabiling mga shoes ni Silver. Ilang bese na nitong sinabi yun.

"Shut up, I have my own money." wika ni Donna at sinamaan ng tingin si Silver.

Hindi na ito nagsalita at hinayaan siya sa mga gusto niyang gawin, last na pinuntahan nila ay ang isang sikat na jewelry brand na kilala ni Donna.

She's not a fan of expensive jewelries at ang tanging pinaka mahal na alahas niya ang ang bigay na singsing ng parents niya noong maka graduate siya ng college.

MEN IN SUIT 3: Silver Baltazar (Completed)Where stories live. Discover now