20

588 16 2
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.






CHAPTER TWENTY






“WHAT!? Anong cancel ang pag transfer ko pabalik dito?” Kumunot ang noo ni Donna at hindi naitago ang inis sa sinabi ng head nila.

“It's the director's decision and I tried calling you nonstop the last few days pero hindi ka ma contact.” Mahinahon naman na wika nito.

Kailangan ba talaga na ako? Madami naman tatanggap sa 5x na offer na yan, Doc.” Aniya at nagpipigil ng galit.

Napansin niyang mukhang kabado ang head niya at hindi makatingin ng maayos sa kanya.

She looks scared.

“Request kasi na ikaw ang dapat na Doctor sa Paes... Can you please just go back? He offered 10 times your salary.”

She was already suspicious.

“What? 10 times? Sinong siraulo ang magbabayad ng ganoon kalaki para sa isang Doctor?” Aniya at napatayo.

“I don't know, okay? The director said he's a big investor in our hospital so we can't make him angry.” Anito at mukhang hirap na hirap na sa pagpapaliwanag sa kanya.

Sandali siyang hindi makapagsalita pero naghahalo-halo na ang pagka inis at curiosity niya sa kung sino man ang may gusto na ilagay siya sa Paes.

Napatingin siya sa head nila na sobrang itim na ng eye bags, nakaramdam si Donna ng konting awa dito.

“Okay fine.” Aniya sabay irap. “But let me stay here for a few days, sayang din yung inuwi ko dito.”

Malapad na ngumiti ang head na mukhang nabunutan ng tinik sa sinabi niya.

“Anything you want.” Anito sa kanya.

Napailing siya ng makalabas sa office ng head.

Naisipan niyang puntahan muna ang mga kaibigan niya sa hospital nang mapansin niya ang iilang intern sa may office sa kabila.

Nagkukumpulan ang mga ito na para bang may inaabangan lumabas.

“Hey!” Bati ni Mona sa kanya at umakbay. “So, are you back for good?”

Inalis niya ang kamay nito sa balikat niya, Isa so Mona sa naging kasabayan niya dati na hindi niya gusto.

“Mind your own beeswax, Monalisa.” Aniya sa babae.

Tumawa naman ito na para bang hindi apektado sa pagtataray niya.

Sabay pa silang napalingon ng lumabas ang isang matangkad na lalaki sa office na naka uniform ng pang rescue.

Kumunot ang noo ni Donna nang maglakad ang lalaki sa hallway habang may bitbit na envelope at kasama ang director nila.

Sinulyapa lang siya ni Silver ng dumaan ito sa harapan nila habang nagsasalita ang director.

“Oh wow..” Wika ni Mona at sinundan ng tingin ang papalayong si Silver.

Nagtataka parin siya kung bakit nandoon ang binata kaya hindi na niya pinansin ang sinabi ni Mona at agad na umalis.

MEN IN SUIT 3: Silver Baltazar (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora