27

497 14 0
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.











CHAPTER TWENTY-SEVEN





KINABUKASAN na nakauwi si Donna at Silver sa Paes, madilim na nang nasa may bayan na sila. They stopped to eat dinner at a local restaurant.

Habang kumakain ay tumunog ang personal phone ni Silver at nakitang si Seth yun, alam niyang emergency yun dahil hindi naman tumatawag si Seth sa kanya.

He excused himself at nagpunta sa labas ng resto kung saan walang tao.

"Seth." seryuso niyang wika bago nilingon ang pwesto ni Donna.

"Something bad happened to ShoSho." wika ng nasa kabilang linya na nagpa kaba kay Silver.

Mabilis na naglakad siya pabalik sa mesa nila ni Donna ata agad na nilapitang ang dalaga.

"We have to go, it's an emergency." seryuso niyang wika at naglagay ng pera sa mesa bago kinuha ang gamit ni Donna at hinawakan ang kamay nito pabalik sa kotse.

Kumakabog ang dibdib niya sa takot at kaba, mabilis pero maingat siyang nagmaneho patungo sa address na sinabi ni Seth sa kanya kanina.

Donna noticed that he was nervous and scared about something pero minabuti ni Donna na hindi na muna mag tanong dahil alam niyang wala sa sarili ang binata.

"Seth told me ShoSho got hurt." mayamaya ay wika ni Silver.

Hinawakan ni Donna ang balikat ni Silver at ramdamam niya ang takot nito, "Sho is going to be fine, okay?" she assured him at bahagyang kumalma ang binata.

Tumango si Silver at huminga ng malalim.

All of his dogs is like a family to him pero iba si Sho sa lahat dahil importante si Sho sa kanya, Sho is the only thing that Elena left behind and he can't let anything happen to Sho.

Huminto sila sa isang nakabukas na clinic at mabilis na naglakad papasok doon, Donna can feel his cold and shaky hand.

Pagpasok nila sa clinic ay nandoon si Veronica na umiiyak at inaalo ni Jane, habang si Seth naman ay katabi si Marian at ginagamot ang sugat nito sa balikat.

"Where's Sho?" agad na tanong ni Silver at napatingin sa loob ng maliit na kwarto, kita niya doon ang doctor na nasa loob habang si ShoSho ay nakahiga sa exam table.

"The vet is already taking care of Sho... calm down." wika ni Seth na nakatayo na. "Sho is going to be fine."

Nakahinga ng maluwag si Silver at naramdaman niya ang pagka pagod, pumihit siya paharap kay Donna at agad na yumakap sa dalaga.

Hinaplos ni Donna ang likuran niya bago sila umupo sa bakanteng upuan.

"What happened." Tanong ni Silver nang bahagya na siyang naging maayos.

He was still holding Donna's hand.

"Kasalanan ko kuya... pinasyal ko kasi si Sho... nasa may palayan kami habang naglalaro.. naiwan ko lang naman sandali si Sho nang biglang may dalawang lalaki ang dumampot sa kanya at umalis." umiiyak na wika ni Veronica. "Kung hindi nakuha ni Marian si Sho ay baka ano nang nangyari sa kanya."

Napatingin si Silver kay Marian,  "Thank you for saving Sho." aniya sa babae.

Ngumiti lang ito nang tipid habang pinagpatuloy ni Seth ang pag lagay ng gamot sa sugat nito.

MEN IN SUIT 3: Silver Baltazar (Completed)Where stories live. Discover now