24- NYU

72 1 0
                                    

Please do vote and comment guys! Yun lang ang makakapagpasaya kay author para naman lagi.syang mag update. Hahahaha.

Will be a little busy! Nagstart na po kasi ang school so, maybe once a week ang update!

Hoping for your consideration.

Chapter 24

It's been a week since graduation, since that de javu thing.

Hindi narin sya dumating sa party ditp sa bahay.

Tumatawag naman sya at nagttxt pero hindi pa kami nagkikita since that accident.

"Tomorrow na yung birthday mo pero hindi parin nagpapakita si Dwayne? Anong klaseng boyfriend naman yan!" Pagbubunganga ni Aly.

Nandito sila sa bahay because of my party tomorrow.

"Malay mo naman may surprise na pinaghahandaan, kaya wala sya ngayon. Yiiiiee." Pantutukso ni Anne.

"True! May surprise yan!" Pantutukso din ni Kat.

Napangiti ako, hindi nga kaya may surprise sya?

Oy wag mag assume!

"Ewan ko sa inyo!"

Nagkulitan lang kami ng nagkulitan ng biglang may kumatok.

Nadito kasi kami sa kwarto ko.

"Come in" sigaw ko.

Pumasok ang isa naming katulong.

"Lady Chantal, tawag na po kayo ng mommy nyo sa baba, sabay sabay na daw po jayong mag lunch." Nakatungong sabi niya.

"Ah. Sige ya, sunod na kami"

Bumaba kaming nagtatawanan dahil nadulas lang naman si Aly sa may hagdanan.

"Hahaha! Clumsy Aly!" Pagtawa ni Kat sa kanya.

Pumasok kami sa dining at nadatnan namin si Mommy na nakatayo at may kausap sa phone.

Pagkakita nya samin ay ibinaba niya na ang phone nya.

Nagbeso sina Aly sa kanya.

"Nandito na pala kayo. Hindi man lang ako tinawagan nitong si Andrea at nabilhan ko sana kayo ng pizza." Sabi ni Mommy.

Galing kasi siya sa hotel para makita kung ayos na ang lahat para sa party ko bukas.

"Si tita talaga! Parang others kami, ok lang po yun. Mamaya na lang." May pakindat kindat na sabi ni Aly.

Napailing na lang ako.

Basta talaga pagkain. Haist.

Kumakain kami ng may mabanggit si Mommy.

"Your cousins, sina Elaine. Sa NYU daw papasok, they're asking me kung sasama ka daw sa kanila para nasa iisang school lang kayo at sama sama." Pagkekwento ni Mommy.

Nagkatinginan kami.

"But i said na baka dito ka lang sa pilipinas mag aral, i know nandito ang buhay mo, ang.mga kaibigan mo pati si Dwayne. Tama ba ako?" Sabi ni mommy.

Kilala niya talaga ako.

"Si Mommy talaga! Pero thank you, kilala mo naman sina Elaine Mom, pag ako ang humindi eh hindi papayag ang mga iyon." Sabi ko.

"Ang sabihin mo mamimiss mo lang kami kaya ayaw mo dun! Pero malaking opportunity yun, bes!" Sabi ni Aly.

Napailing na lang ako.

We continued eating hanggang sa biglang may dumating na bisita.

"Madame Leslie, nandyan na po si Ms.Elise."

"Papasukin mo." Sabi ni Mommy.

"I'm sure gowns mo na yan." Nagmadaling tumayo si Mommy.

Excited na ako para bukas! Baka nga may surprise si Dwayne.

Napangiti ako sa naisip ko.

Dwayne's POV

"Umuwi ka na! Ilang araw ka na dito Dwayne. Hindi pa ba nakakahalata sayo ang parents mo? Pati narin si Andrea? Ano ba Dwayne, your making everything more difficult than it has to be! Birthday pa ng girlfriend mo bukas! Go home Guzman!" Pagsigaw sakin ni Rev.

Pinagtabuyan nya ako palabas ng hospital.

It's been what? Three days? Tatlong araw na ako sa ospital, at hindi nauwi.

Tatlong araw na inom lang ng inom ng kape, tatlon araw nang nag aalala at tatlong araw ng wala sa sarili.

My ex, si C. She's in the hospital.

Isinugod sya after ng graduation nina Rev. Hindi pa talaga sya kasabay sa graduation nina rev dahil late sya pumasok.

1 week na sya dito sa Hospital, dahil hindi parin makita ng mga doctor kung bakit sya sumuka ng dugo.

Yes, you read it clearly. Sumuka siya ng dugo.

"Dude just go home. I'll just call you kapag may sinabi na ang doctor. Just go, for now." Sabi ni Drake.

Si Drake ang older brother ni Carly.

Hindi ako umimik at nagtuloy tuloy na lang sa kotse ko.

I drove all the way home.

Pagdating ko sa bahay, isang falit na mukha agad ang tumambad sakin.

"Where in the hell have you've been for three days?" Sigaw ni Daddy sakin.

Pero nagkunwari akong walang naririnig at nagdirediretso lang ako sa paglalakad papasok ng bahay.

"Wag kang bastos! Kinakausap pa kita!" Sigaw niya pa.

"Albert. Huwag mong sigawan ang anak mo. Hayaan mo na muna sya. Let's just go!" Sigaw ni Mommy kay Daddy.

"We will talk when we get home." Madiing sabi ni Daddy.

Umalis din sila pagkatapos.

Nakaupo lang ako ngayon sa kama ko ng magring ang cellphone ko.

Baby calling...........

Napatitig lang ako sa cellphone ko. Kinuha ko ito, at pinatay ko.

Wag ngayon, wag ngayon.

_____________||___________________

A/N: Long update po yan. :)

XoxoMOTL

The REAL METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon