Chapter 2- The START

223 9 0
                                    

Hope you like reading this guys! :)

Chapter 2

"Sigurado ka na ba sa paglantad mong ito iha?" tanong ni Nay lidia.


Si Nay lidia ang kasama ko simula bata, mayordoma sya sa bahay, tumayo na syang pangalwa kong ina, lagi syang nasa tabi ko tuwing kailangan ko ng gagabay sakin dahi wala lagi ang parents ko para asikasuhin ang kompanya namin.


"Oo naman po Nay. Sigurado na ako, para makita nila kung sino talaga yung inaapi nila." sabi ko.


"Pero Chantal wag kang maghihiganti, hindi lahat nadadaan sa paghihiganti. Mas maganda kung patawadin mo na lamang sila iha." yakap yakap niya ako ng sinabi niya ito.


"Opo Nay. Alam ko yun, at wala po akong balak maghiganti, konti lang. hahahaha. joke lang po!" natatawang saad ko sa kanya.


"Lady Chantal, naiparada na po sa labas ang kotse nyo, ito po ang susi." Nakatungong sabi ni Crystal sakin.

Isa si crystal sa mga katulong namin at may iba pa.

"Salamat Crystal." at kinuha ko ang susi sa kanya.


1st time kong papasok ng dala ang kotse ko, at ako mismo ang magdadrive nito. Kahapon nga pala ng hapon ipinakilala na ako ng Principal at Directress sa Staffs and Teachers na ako ang may ari ng ACLM University, pero hindi pa nila nakikita ang totoong itsura ko at ngayong araw nila ako mismong makikila, ng buong campus.


"Sige na nay! Mauna na po ako!" hinalikan ko sya sa pisngi.


"Hindi ka na nag almusal nak, ito ipinag-gawa kita. Mag iingat ka ha? Yunf binilin ko sayo." sabay abot niya ng sandwich na nasa zip lock.


"Salamat nay, Sige po!" i said while waving my hands at lumabas na ako.

"Lady Chantal, bilin po ng Daddy nyo na wag daw po kayong magdadrive kaya po ako ang magdadrive ng sasakyan nyo po." nakatungong sabi ni Buttler Greg.

"Greg, hayaan mo na sya. Ako na ang bahala sayo, sagot kita kay Alfred." rinig kong sabi ni Nay lidia.

"Thank you Nay! Bye buttler!" sabi ko, and i wave at them.


Sumakay na ako sa kotse ko, this is a simple Lamborghini Gallardo, personalize sya in the color of Mint green, imagine nyo na lang. Hihi. Btw, nakadisguise parin ako ng nerd look ko kasi mamaya ko pa dahan dahang ipapakita sa kanila kung sino talaga ako.


After 15 Minutes, nakadating na rin ako sa school. Everyone is looking at my car, syempre saan ka ba makakakita ng ganitong sasakyan kung saan saan lang. I parked my car sa Harap ng main lobby, ang may ari lang ang pwedeng mag park dito, that's why.

Bumaba ako with confidence kahit na nakanerd ugly look parin ako, and i heard whispers. Chismis na naman to for sure.

Nakita kong padating ang barkada ni Patricia. Eto nanaman tayo, ayaw ko sana ng war. ughhh


"Omg, naka lambo yang nerd na yan?" sabi ni girl one.

"Sa pangit nya, di bagay yung car sa kanya!" sabi ni girl 2.

"She's Rich? Omg, ill be friends with her." sabi ni girl 3 at binatukan sya ni Patricia

and Finally umimik ang leader nila, si Patricia.

"I taught poor ka Andrea? O baka naman nagnakaw lang kayo ng pamilya nyo? sa bangko ba? Hahaha. Poor you, hindi bagay sa mukha mo yang ganda ng kotse mo! And to tell you, mura lang yung kotse mo, Allowance ko lang yan eh. Tsk" sabi niya with matching pag iling pa.


Si Patricia Cantos, famous sa school, VP ng school org. Gumanda lang yan nung nagpabrace at nagparebond. And to tell you sa Kompanya namin nagtatrabaho ang magulang nya, ang Mommy nya bilang Finance director at ang Daddy nya na Representative/PA ng Daddy ko. Hindi nya din ako kilala pa kaya humanda sya.


"O? Talaga? So anong pinaglalaban mo? Allowance mo lang tong presyo ng kotse ko? E kahit ibigay ko yan sayo e buo parin ang allowance ko!" sabi ko with matching flip ng hair at walk out.

At rinig kong nangagaliiti sya sa galit.


"O, i forgot to tell you" at bumalik ako sa harap nya. "Mamaya, wala ka nang allowance! Kaya di ka makakabili ng kotse. Hahaha. Bye Dear!" at nagflying kiss pa ako sa kanya.


Dinial ko ang number ni Atty. Lescano, isa sya sa tauhan ni Daddy.

"Atty. Lescano, long time no talk. I need you to do a favor for me." i said in the line.

"Anything for you Ms.Montemayor, anything." sabi niya with pure sincerity.

"I want you to fire, Mr. Cantos, yung rep ni Daddy. No more questions Atty. I need it A-S-A-P. You understand?" i said to him.

Hindi ko muna ifafire ang nanay nya, masyadong mabait si Mrs. Cantos para gawin ko yun, nang dahil sa anak nya.

"Clearly said. Ms. Montemayor." he said.

"Thank you, maasahan ka talaga Atty." and i hang up the call.

Mamaya Patricia, makikita mo kung sinong kinakalaban mo. *evil smirk*

____________________________________________________________________________________

Please support this story! If may questions kayo, feel free to dm me! :)

xoxoMOTL

The REAL METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon