19- Board Meeting

61 2 0
                                    

Hapoy reading! :)

Chapter 19

"Thank you everyone for cooperating! Let's celebrate!" I said.

It's been three days after the incident in the office at naayos nanamin ang problema sa konpanya, ready na ang lahat for the runaway this sunday.

Hindi din ako pumasok ng 3 days sa school para dito. Nagpaalam ako sa dean at pinayagan naman ako.

"We are really thankful na nandyan ka po Ms. Chantal. Marami pong salamat talaga." Sabi ni miss alegra.

"Wala yun Ms. Alegra. Besides, kailangan ko din talagang malaman kung paano ang pagpapatakbi dito sa clothes line. " sabi ko.

Nagpasalamat silang lahat at naghanda ng party para mamayang gabi dahil sa successful na project at sa nasolve na problema sa kompanya.

Everything was settled.

"Padala naman ng lunch sa office." Sabi ko sa Secretary bago pumasok sa office ni Mommy.

Siguro by now alam na nya na, nagkaproblema sa kompanya.

"Uhh. Mam, wala pong luto ngayon sa canteen mamaya pa po kasi yun ng 12:30. Gusto nyo po bang iorder na lang kayo sa labas?" Tanong nya.

My god. I am starving, hindi ako nagbreakfast kanina dahil may meeting ako ng maaga kaya nagugutom na ako.

"No, no. I'll go out na lang, you wanna join?" I asked.

I dont want to be rude kaya inaya ko sya. Besides mag isa.lang ako.

"Hindi na po mam. May naiwan pa po kasi na documents, aayusin ko pa po." Sabi niya.

"Ah ok. May appointments pa ba ako ngayong araw?" Tanong ko.

Kinuha ko ang susi ko ng kotse at bag ko.

"Sa executives po ng MGC, around 1:00 pm po. It's about the new resort to be built po sa Bohol. And wala daw po ang Daddy nyo so kayo po ang tatayong big boss. Yun na lang po for the day." Sabi niya habang nakangiti.

"Ahh. Okay. What's with the smile? It's creepy, really." Sabi ko at lumabas na ng office.

Sumunod sya sakin at umiling iling na humahagikhik na pumunta sa upuan nya.

Ano ba yan? What is with her?

Nagpunta lang ako sa restaurant namin at doon na kumain.

Bumalik ako sa office around 12:30, dahil sa meeting.

"Start na ba?" Tanong ko sa Secretary.

"Ayy. Mam, hindi pa naman po, pero nagsisidatingan pa po, pero nandyan na po si Mr. De Guzman and Mrs. Abarintos."

"Oh. Si tito nandyan na pala. Okay, the documents akin na." Sabi ko.

Ang aga naman yata ni tito, knowing him always late sya nagmana nga sakanya si Dwayne eh.

Uhhm. Speaking of Dwayne, hindi pa kami nag uusap simula ng gabing yun. But i am thinking of talking to him.

The last two days, nagtangka syang makausap ako, he goes here sa company, he calls me on my phone and texted me several times but i didn't reply nor accepted his calls, hindi ko alam pero masyado akong nasaktan.

"Ahh. Mam, hindi po si Mr. Albert yung nandyan, anak nya po yung pinadala nya dahil nasa singapore po sya." Sabi niya.

Si Dwayne?! Omygod!

"Si Sir Dwayne po Mam." Humahagikhik na sabi nya.

"Bakit parang kilig na kilig ka ha?" Sabi ko sa kanya.

The REAL METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon