CHAPTER 28

190 6 4
                                    

CHAPTER 28: SEAN AND CHALEO’S FACE OFF

-CHALEO’S POV-

Nanunuod kami ni Angel dito sa sala nang mapansin kong hindi sya mapakali dahil kaninang kanina pa sya pindot ng pindot sa cellphone nya.

Hindi ko alam kung bakit, hindi naman sya dati mahilig sa cellphone, pero bakit parang ngayon napapdalas ata yung paggamit nya ng cellphone.

Hindi na ko napakali, inusisa ko na sya.

“Bunso, sino ba yung ka-text mo ha?”

Lumingon sakin si Angel.

“A, kuya sina Valerie lang to. May sinasabi lang sila.”

Lumingon na ulit ako sa pinapanood ko.

Pero kahit anong gawin ko nacu-curious pa rin akong malaman kung sino yung ka-text nya.

Ilang minuto yung nakakalipas e nagpaalam sakin si Angel na magc-cr.

Nakita kong iniwan nya yung cellphone nya dun sa may katabi ko.

Natukso akong tingnan yung cellphone nya.

Ewan ko, natagpuan ko na lang yung sarili ko na binubulatlat yung cellphone nya.

Hmm,,

Tiningnan ko yung mga inbox ng cellphone nya at Makita ko dun agad yung napakaraming pangalan ni Sean. Dun naman sa sent items nakita ko yung pangalan nya. Salitan kong binasa yung sent items at inbox.

Napakadaming message na nakalagay dun, halos madurog yung puso ko. Halos mag-lilimang bwan nap ala silang magkarelasyon ni Sean.

Paano ko ba naman hindi malalaman e may nakalagay dun sa mga text nila na happy monthsary, I love you na napakadami.

Nakakabanas lang!! Uhh!!!

Pero nabasa ko rin na mamaya e magkikita sila ni Sean. May naisip akong magandang plano.

Nang Makita kong dumadating si Angel e ibinaba ko na agad yung cellphone nya sa dating pwesto.

“Kuya may nagtext ba sakin?”, sabi ni Angel habang umuupo papalapit sakin at kinukuha yung cellphone nya.

“Wala, kita mong nanonood ako dito e.”, sabi ko habang humaharap sa tv.

“Ihagis ko yang cellphone mo e.”, pabulong pa na sabi ko.

“Ano kuya?”, sabi nya sakin.

“Sinong ihahagis?”, mausisa nyang tanong sakin.

“Wala, wala. Si Tom Cruise ang sarap ihagis!!! Nakakainis.”, may pakunot noo pang sabi ko.

Ang sarap ihagis ni Sean. Ang sarap pagpira-pirasuhin. Ano naman kaya daw nakita nitong babaeng to kay Sean?!

Uhhh!! Engot ka talaga Chaleo!

“Kuya, wala naman si Tom Cruise dun sa pinapanood natin e. Si Brad Pitt lang at si Orlando.”, naguguluhan na sabi nya.

A oo nga pala, Troy yung pinapanood namin.

Hay naku Chaleo, napapaghalata ka dyan.

“Minsan kase kuya wag mong iisipin masyado si Ate Sarah ha?”, pagkasabi nya nun e binatukan nya ko.

Para san naman yun?

“Anong iniisip? Ikaw ha. Wag mo kong inisin, baka mamaya sapakin ko yung Sean mo.”, lumingon ako sa kanya nung sinabi ko yung word na Sean.

Yung hinayupak na lalaking yun, mang-aagaw ng mahal!!

“Ikaw talaga kuya, wag mong sasaktan si Sean kuya ha? Pano na lang pag naging kami na?”

GAP BETWEEN OUR LOVE (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon