CHAPTER 18

184 8 7
                                    

CHAPTER 18: DEANNE’S NEW LOVE LIFE

-DEANNE’S POV-

Sabado ngayon, at syempre naman kasabay ko yung aking mga magagaling na best friend.

Ay oo nga pala. Yun nga palang isa sa amin ay hindi makakasama. Dahil sya ay busy, bising busy sa pagngawa gawa dun sa kanyang magaling na jowa.

Ay, kahit naman pala mga plastic iyung sina Charlene ay may parte pa rin sa kanila na honest. Kaya lamang ay kaawa naman iyung si Valerie ay.

Hindi rin naman namin ngay-on kasama si Rose Ann. Hayun naman ay busy daw naman sa aming mga plano.

 Hay naku naman ay. Hindi na nga masyadong nakakasama sa amin iyung babaeng iyon ay. Masyado na atang kina-kareer ang pagiging plastic.

Eto namang lalaking ito na si Lawrence na hindi ko naman alam kung ito bay lalaki o binabae ay kasama naming ngay-on.

Ay eto namang dala-dalawang mga lovers na ire.

Yung isa ay sina Pamela at Carlo. Nakakainggit. Kung ganyan lamang si Gien ay baka hindi ko na iyun pinakawalan.

Napaka gentle-dog kasi ni Carlo ay. Para tuloy gusto ko nang agawin si Carlo kay Pamela. Hihihihihihi

Chos lang. Sobrang sweet kasi e nakakainggit lang.

Speaking of sweet ay hayan na ang matatawag natin na Seangel love team ba.

Parang lalanggamin ata sa bawat sulok na pupuntahan niyan ay. Kulang na lamang ay magpalit ng muka.

Siguro nga ay nasabi na niyang si Sean yung matagal na niyang gusting sabihin kay Angel.

Iyun bang tungkol sa panliligaw nya.

Gusto rin naman ni Angel si Sean ay kaya nga siguro ako’y hindi na magtataka kung agad agad sagutin niyang si Sean si Angel ay.

Ako kaya? Rapat kasi akoy nakikisama ruon kay Valerie sa pagsesenti ay.

Naku naman. Kami ata ay parehas ng kapalaran.

Hay, Gien lalo tuloy lamang kitang naaalala sa mga ito.

Ngay-on ay nandito kami sa mall. Lalo ko lamang naaalala si Gien.

“Huy, Sean sya naba yun?”, sabi ni Angel sabay turo dun sa lalaking naka-upo dun sa may Jollibee na infairness ay pogi rin naman.

“Oo, sya na nga yun. Tara na.”, pagkasabi nya nun ay isinampay nya yung braso nya kay Angel at pumasok na kami ng Jollibee.

Ay ano naman kayang involvement nitong lalaking ito?

Ano naman kaya ang papel niyan sa aming mga pamumuhay?

Hay naku author! Andaming mga singit rine.

Kami’y nangagsi-upo na sa upuan ruon.

Aba! Anu bat pinagtabi pa kami ng lalaking ire?! Isa ba ireng set up.

Napansin kong nagngitian si Angel at Sean, ay ganoon rin naman sina Angel at Pamela.

“Deanne, meet our new friend Riel”, sabay na sabi ni Angel at Pamela.

Inilahad nung Riel raw ang kanyang kamay sa akin. Aba syempre, wala nang kakemehan pa rapat akin na ring tinanggap ang kanyang kamay.

Aba! At nang maipakilala na nila ireng lalaking ire sa akin ay bigla na lamang bumaling ang mga iyon sa kanilang mga sari-sariling munro.

Aba, isama ba lamang ako rito para lamang ako’y ma-OP.

Eto namang nag-iisang baklita na wala ring partner ay kinaki-usap rin nina Angel.

GAP BETWEEN OUR LOVE (C O M P L E T E D)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon