Chapter 10: Picture

880 13 0
                                    

Naka-upo ako sa information desk at hinihintay ko na lang mag-lunch, ngayong araw na pala makaka-labas ng hospital si angel kaya paniguradong hindi ko na maabutan dito si calex sa tuwing may duty ako.

"Oh" inabutan ako ni adrian ng iced coffee na agad kong tinanggap.

"Salamat"

"Kamusta si krisha?"

"She's okay now" napatango siya kaya uminom ako ng iced coffee na binigay niya.

"What happened last night?" Napabuga ako ng hangin at sinabi ang lahat sa kaniya. "Then, who's the leader?"

"I don't know" isa lang naman ang gagawa nito kundi si gerald.

"Huwag mo na ulit uulitin yun, ah! Ang sumugod mag-isa"

"Oo na! Sadyang hindi ko lang alam ang tatawagin ko"

"I'm always here, scar. Isang tawag mo lang pupunta agad ako. I got you my friend" natawa na lang ako sa kaniya.

"Ahem" napatingin kami sa bagong dating at nakita namin sila xander. Napatingin ako kay calex at hawak niya ang mga gamit ni angel.

"Oras ng duty bakit nag-uusap kayo?" Masungit na sambit ni xander. "Nurse adrian, kailangan ka nila doon sa OR"

"Yes, doc" umalis na si adrian kaya napabuga ako ng hangin at inayos ang mga papeles.

"Doc scar" napatingin ako sa nurse na bagong dating, nagulat ako ng bigyan niya ako ng flower. "Pinapabigay po"

"Sino nagbigay?" Ngumiti lang siya at umalis na. Napakunot noo ako at tinignan si calex na ang sama na ng tingin sa bulaklak na hawak ko.

"It's seems liked you have a admirer" Nakangiting sabi ni angel, napatingin na lang ako sa bulaklak at kinuha ang note.

~I hope you'll like it~

Nilapag ko ang bulaklak at aalis na sana ako ng magsalita si calex.

"Pupuntahan mo ang admirer mo?" Ngumiwi ako at natawa ng mahina.

"No, I'm going to check my patient. Please, excuse me"

Naglakad ako papasok sa isang room at agad akong sinalubong ng batang pasyente ko.

"Doc scar, tignan niyo po yung ginawa ko" tumango ako at ngumiti, nagulat ako ng hilahin niya ako papasok ng tuluyan sa loob ng room niya. "It's beautiful right?" Ngumiti ako at tumango-tango ng makita ko ang drawing niya.

"Yeah, it's beautiful" kinuha ko ang drawing niyang bulaklak, napakunot noo ako dahil parang kahawig niya ang bulaklak na binigay sa akin kanina. "Liam, is this really your drawing?"

"Yes, doc scar. Don't you believe it?" Natawa ako at umiling.

"Of course, I believe" inayos ko ang buhok niya at napatingin ako sa pinto ng may pumasok. Ang daddy niyang naka-salamin at nakasuot ng naka-suit attire. "Mr. Winston"

"How's my son?"

"He's doing good" tumango siya at napakunot noo siya ng makita ang drawing ni liam.

"Who did that?"

"It's me, daddy" nagpabuhat siya sa daddy niya kaya tumayo ako.

"Papalitan ko lang ang dextrose ni liam" tumango siya at hinayaan na ako sa ginagawa ko.

Magkasing-edad lang si Mr. Winston at calex at balita ko ay magkaklase sila noong high school hanggang college.

"It's done" ngumiti ako sa kanilang dalawa. At agad akong naawa kay liam dahil pinipilit niya ang daddy niya na huwag siyang ipa-opera. "Liam.."

The Moon And The Star. Book 1Where stories live. Discover now