Chapter 3: Alpha hospital

1.1K 17 0
                                    

"Good morning, calex" napakunot noo siya at nilapitan ako.

"Ang dami mo atang niluto?" Ngumiti ako at tumango.

"Ginanahan akong magluto, eh. Oh, what do you want to eat first?"

"Mm, pwedeng ikaw?" Natawa ako at hinampas siya.

"Maupo ka na diyan at kumain"

"Saluhan mo ako" ngumiti ako at tumango. Pinagsaluhan namin ang niluto ko at mukha naman nasarapan siya kaya halos maubos na niya lahat ng niluto ko. "Ahh, ang sarap"

"Salamat"

"Oh, anyway kailangan ko ng pumasok baka malate ako sa opisina"

"Sige" niligpit ko ang pinag-kainan namin at nilagay ito sa kusina.

Habang naghuhugas ako nagulat ako ng may yumakap sa akin mula sa likuran.

"See you later" ngumiti ako at humarap sa kaniya. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi kaya nagulat siya ngunit agad ding napangiti.

"See you"

"Pupunta ka sa opisina mamaya?"

"Ahm, yes"

"Okay, see you there" tumango ako at umalis na siya kaya nagpatuloy na ulit ako sa paghugas.

Pagkatapos kong maghugas, kinuha ko ang cellphone ko at nag-scroll na muna sa Instagram. Habang nag-sscroll ako napadaan ang litrato ni angel, she's really gorgeous. Binasa ko ang caption niya. 'I'm back'

So, nandidito na siya sa pilipinas? Good for her, but I felt bad for her kasi hindi ko na ibabalik sa kaniya si calex. Pinatay ko na ang cellphone ko at naligo na.

Paano kung bumalik nga siya kay calex? For sure, mag-oo agad si calex dahil ang tagal niyang hinintay ang babaeng ito. But sorry, never akong papayag na maging sila ulit.

Pagkatapos kong mag-ayos, sumakay agad ako sa kotse ko at dumeretso sa coffee shop. Gusto kong bilhan ng coffee si calex, hininto ko na ang sasakyan ko sa gilid ng coffee shop at bababa na sana ako ng makita ko si angel na kaharap ang mga reporters. Napangiwi ako at pinanood ito, she's really soft.

"What is your next movie, Ms. Angel?" Tanong ng isang reporters.

"Just look forward, thank you" napangiwi ako lalo at pinaandar ang sasakyan.

Hays, ang boring naman ng buhay ko. Hininto ko ang sasakyan ko sa gilid at tumingin sa kompanya ni calex, kung bumalik na kaya ako sa trabaho? Speaking off, tumatawag sa akin ang chairman ng hospital.

"Hello?" Sagot ko dito at sumandal sa kotse ko.

"Ms. Hernandez, we really need you here. You know na isa kang magaling na doctor dito sa alpha hospital. At kumukulang na ang doctor and we really need you asap dahil kailangan namin ang isang tulad mong magaling" napabuga ako ng hangin.

"On the way" pinatay ko ang tawag at napabuga ng hangin. It's been three months na din simula ng umalis ako sa alpha hospital.

Pagkadating ko sa hospital marami ang nagulat na nagbalik na ako, tsk. Not totally. Pumunta ako sa office ni chairman at nakita ko siya doon na nakangiti na sa akin. Sinuot ko ang white coat na nakahanger sa gilid at tumingin kay chairman.

"Mahalaga ba ang pasyente ngayon, chairman?"

"Sobra, isa siyang artist"

"Chairman, we need more doctor" napatingin kami sa pumasok at nakita namin ang apo niya. Nang makita niya ako, lumanig agad ang ekspresyon niya.

"Go on, Ms. Hernandez" tumango ako at tumingin kay xander na nauuna ng maglakad. Psh!

Naghugas ako ng kamay sa restroom at nagsuot ng gloves, tumingin ako sa salamin at nagpa-cute na muna bago lumabas sa restroom.

The Moon And The Star. Book 1Where stories live. Discover now