Chapter 2: Good Night

1.3K 27 0
                                    

"Oh, may hangover ka pa" sabay bigay ko ng coffee sa kaniya, kinuha niya ito at ininom.

"Salamat, argh! Ang sakit ng ulo ko" tumingin siya sa akin at ngumiti. "Did you enjoy yesterday?" Ngumiti ako ng pilit at ngumiti.

"Yeah"

"You have a hangover too?" Ngumiti ako at tumango. Nahihilo ako sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari kagabi. "I think, mas kailangan mo ito"

"Do you know my name?"

"Huh? Haha, of course. Anong klaseng tanong yan?"

"Nagbabakasali lang ako baka nakalimutan mo" 'ng ako ang kasama mo kahapon.

"Tsk, I need to go" sinuot niya ang coat niya. "Pupunta ka ba sa office ko later?"

"Hindi" napakunot noo siya, eh kasi naman araw-araw akong pumupunta sa office niya at talagang magtataka siya kung bakit hindi atah ako makakapunta ngayon. "May lakad kami ni pearl"

"I see, kung makakadaan ka. Just inform me"

"Mm"

"Okay, see you later" nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi, ngumiti lang siya sa akin at umalis na.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko at para akong nanghihina.

"Why are you doing this to me?"

Nag-ayos na ako dahil nag-text na si pearl, bukas na kasi siya aalis kaya naisipan naming mag-bonding together.

"Yah! Ang tagal mo!" Sita niya sakin ng makasakay ako sa kotse niya.

"Oo na! Hindi lang kasi ako maka-move on sa ginawa ni calex"

"Ah? Anong ginawa niya?! Don't tell me.." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya natawa ako at binatukan siya.

"Nagugulat kasi ako sa mga pinag-gagawa ni calex, he's too very nice to me"

"Hindi ba't yun ang gusto mo? Pero talaga?! Kinikilig naman ako sa inyo, baka sa susunod magkaroon na agad kayo ng anak bago ang kasal"

"Ash! Kung ano iniisip mo"

"Eh, what if!" Natawa na lang ako dahil hindi naman mangyayari yun, nagiging mabait sakin si calex dahil iniisip niyang ako ang ex girlfriend niya.

Pumunta kami sa park at naglakad-lakad sa gilid ng hallway.

"Huwag kang shushunga-shunga doon, ah?" Sumimangot naman siya sa akin kaya natawa ako. "Eh, kasi wala ako doon para protektahan ka"

"Hays, ang sweet-sweet talaga ng best friend ko"

"Salamat" hinampas niya tuloy ako sa braso kaya natawa ako.

Habang naglalakad kami nakarinig kami ng tugtug sa gilid. Oh, may banda pala dito.

"Yah! Ang gwapo-gwapo talaga niya!"

"He's mine!"

"Fafa pogi, what's your name!"

Tinignan namin ang banda at napangiwi agad ako sa kumakanta, siya yung mayabang na lalaki nung isang araw.

"Hays, kahit saan talaga siya mag-punga, pinagtitilian siya" sambit ni pearl na kinangiwi ko.

"Do you know that bastard?"

"Yeah, kapatid siya ng fiance ko. But wait! Bastard?! Baka ako dapat magtanong niyan! Do you know him?"

"No"

"Really?"

"Tsk, mayabang kasi siya! Sabihan ba naman akong umalis sa pinaghituan ko! Akala mo kung sino"

The Moon And The Star. Book 1Место, где живут истории. Откройте их для себя