Chapter 7: Isla

Magsimula sa umpisa
                                    

"Akina nga yan" kinuha ni Jake ang hawak kong beer kaya napaluha ako.

"Pati ba naman best friend ko kukunin mo! Wala na kayong tinira sa akin! Sige, ganiyan naman kayo, eh. Gusto niyo laging nakikitang walang-wala na ako. Eh! Ano bang kasalanan ko, ah! Bakit hindi niyo sabihin? Hindi yung tinitira niyo ako ng patalikod" iyak kong sabi, sinubukan naman akong hawakan ni Jacob. "Go away! I can take care of myself!"

"Then, bakit napahamak ka pa din?" Sambit ni jay, napangiwi tuloy ako.

"May kasama lang yun pero kapag mag-isa yun! Kayang--kaya ko yun!"

"Tsk, kaya ka napapahamak dahil sa kayabangan mo"

"Of course not! I just can take care of myself. Maka-alis na nga dito" aalis na sana ako ng pigilan ako ni dark.

"Ako na maghahatid sayo"

"Ayoko, dala ko sasakyan ko at isa pa! Wala akong balak gawin kang katulong ko, sa iba ka na lang mag-apply"

"The heck!" Nagsibungisngis tuloy sila Jake dahil sa sinabi ko, tinaasan ko siya ng kilay. "Inoofferan lang kita, Hindi ako mag-aapply biglang bodyguard mo! At isa pa, you're already drunk"

"I can still manage myself. I know what am I doing" ngumiwi ako ngg makaramdam ako ng hilo. "Pumunta na kayo kay angel, balita ko bumubuti na ang kalagayan niya"

"Really? That's good, then" tumango ako kay Jake. Good for him.

"Hays!" Inayos ko ang sarili ko at umalis na ako doon.

Umupo ako sa bench at ngumiti sa kawalan, maybe I should accept it. Kailangan ko ng tanggapin na hinding-hindi na ako mamahalin pabalik ni calex.

"Just wait for him" basa ko sa naka-sulat sa bench, natawa ako at umiling. Sa tingin ko, I can't wait him anymore.

Tumingin ako sa buwan, sobrang gandang pagmasdan ang pagkabilog nito.

"I wish I was your star, my moon" bulong ko at napangiti. Of course, I am.

Kinabukasan pagkadating ko sa hospital nagkakagulo ang lahat, maraming nagsisi-iyakan sa ER. Nang may mapadaan na nurse sa akin ay agad ko siyang hinila.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ko dito.

"Nagkaroon po ng sunod sa barangay nila at halos lahat po ay napahamak" napatango ako at agad kong kinuha ang white coat ko at sinuot yun.

Mabilis akong tumakbo sa ER, wala akong ibang marinig kundi ang iyak at daing. Nilapitan ko ang ginang at agad kong ginamot ang paso niya.

"Clear!" Napatingin ako sa inooperahan na nila dito, napalunok ako at bumalik na ulit sa paggagamot. "Time of death 7:12AM" para akong nanlamig dahil sa narinig ko.

Napatayo ako ng tapos ko ng magamot ang sugat niya, napatingin ako sa labas ng makarinig ako ng tunog ng ambulance.

"Doc, kailangan po ng operation ang isang ito" tumingin ako sa kaniya at tumango.

"Called doctor xander"

"He's busy, doc"

"I said, called him" napalunok ito at tumango.

Sinalubong ko na ang bagong pasyente na sobrang lala ng kondisyon. Masyadong marami ang pasyente ngayon kaya halos hindi na kami makakain.

"Argh" sabay masahe ko sa balikat ko, kinuha ko ang tubig at agad itong ininom. Napatingin ako sa oras at 8:23PM na, tsk. Nalipasan na naman ako ng gutom kaya pala parang luntang gulay na naman ako. Nanghihina na din ako sa gutom.

Naglakad na ako papunta sa canteen dahil gutom na gutom na talaga ako, habang naglalakad ako nadaanan ko ang ICU. At sakto din ng paglingon ko ay nakita ko sila calex na nasa loob ng room ni angel. Sinusuri ni xander si angel at parang napaka-seryoso ng usapan nila.

The Moon And The Star. Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon