Chapter 6: Gerald

Start from the beginning
                                    

Nagising na lang kasi ako sa isang hospital at sabi ng doctor ay temporary daw mawawala ang alaala ko. Kung bumalik kaya ulit ako sa hospital na iyon? Sabi nila na-car accident ako at may mga humahabol daw sa akin. Pero, sino naman maghahabol sa akin?

"Scar, mas mabuting huwag ka na munang lumabas sa bahay" napatingin ako kay calex dahil sa sinabi niya.

"Why?"

"Please, scar" ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Salamat"

Napatingin ako sa tagiliran ko dahil sabi ng doctor ay binaril daw ako dito, naniniwala naman ako dahil may pasa nga ako dito pero nilalagyan ko naman ito ng ointment para gumaling.

"Girl!! Malapit na akong ikasal! Baka maunahan pa kita!" Natawa ako kay pearl dahil halos magpa-gulong na siya sa kama niya sa sobrang saya. Sa Skype kami nag-uusap.

"Sige, aayain ko na agad si calex na bukas na kami magpa-kasal para maunahan kita"

"Scarlet naman, eh!" Natawa ako lalo dahil ang cute niya.

"Joke lang" napangiti ako sa kaniya. "Pearl, may tanong ako"

"Mm, sige ano yun?"

"May iba pa ba tayong kaibigan noong college?" Natigilan siya at hindi agad naka-sagot.

"Ah, oo nga pala girl. May gagawin pa pala ako. Bye, love you" sabay off niya ng tawag, mas lalo tuloy akong nagduda sa kilos niya.

Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame, bakit kaya nila ito nililihim sa akin? Masama na bang malaman ko ang parteng nakalimutan ko? Napabuga ako ng hangin at tinignan ang cellphone ko ng bigla itong mag-ring, napakunot noo ako ng unknown number. Napangiwi ako at sinagot ang tawag, baka emergency.

"Hello, scar" sabay tawa nito sa kabilang linya, napakunot noo ako.

"Do I know you?"

"Of course, kilalang-kilala mo ako.. kung gusto mong malaman ang buo mong pagkatao, feel free to come to me"

"What's your name, then?"

"Just call me, gerald"

"Okay, gerald. Saan kita matatagpuan?"

"Sa abandonadong mall. I'll wait you here" sabay patay niya ng tawag, ngumiwi ako at napabuntong hininga.

Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, agad akong nagulat ng makita ko ang mga naka-ninjang damit. May tabing din ang mukha nila.

"Huwag kayong lalapit! Tatawag ako ng pulis!" Agad akong natakot ng lumapit sila sa akin.

"Hinahanap ka na ni boss" sambit ng isa.

"Boss? Sinong boss?"

"Boss gerald?" Agad-agad?

"Yah! Huwag ka sabing lalapit! Sisigaw talaga ako dito!"

"Kunin niyo na siya" utos niya kaya agad akong kinabahan.

"No!!" Hinawakan ako ng dalawa kaya sigaw na ako ng sigaw dito. "Tulong! Huhu! Tulong!!"

Tinakpan nila ang bunganga ko at tahimik nila akong nilabas sa bahay, isasakay na dapat nila ako sa van ng may dumating na mga security guard.

"Ano yan?!" Sigaw ng security guard kaya agad kong sinipa ang may hawak sa akin at mabilis akong tumakbo papunta sa mga security guard.

Ngunit nagkamali atah ako dahil kasabwat din nila ang mga guard na ito.

"Wala ka ng ibang mapupuntahan!" Sabay tawa nila, kinabahan naman ako ng sobra at agad akong tumakbo sa damuhan. Papunta na ito sa gubat ngunit wala akong choice kundi tumakas.

The Moon And The Star. Book 1Where stories live. Discover now