"Wala naman akong ginagawang masama ah" Naguguluhang sabi ni clark, Para syang inosenteng ewan.
Hawak hawak sya sa leeg ni nine at tristan.

"Ano wala!, Kinakausap mo si Zen! Bawal yun!! Kakasuhan kita nang Estafa! Saka Rape! Saka Annulment!" Sigaw nya ulit bago ako inalog alog.

"M-milan, Ano ba!" Sigaw ko din sa kanya at sinusubukang makawala pero lalo pa akong niyakap nang bata sa leeg kaya napaupo ako. *Cough!*Cough!*..Lintik!"

"Sasakalin mo si Zen eh!"

"milan!Sasamain ka sakin!"

"Bitawan mo nga si Zen!"


"Anong kinalaman nang annulment,Rape at Estafa sa ginawa ko?" Naguguluhang tanong ulit ni Clark kaya sumigaw na naman itong nasa likod ko. Aray ko!! Ang ingay!!.

"Ewan Ko!,Basta iyun yun!" Sigaw ni milan bago nag papadyak padyak ulit. (0^0). "Nine! Tulungan mo ako! Anong Annulment ba yun?!"

"Aba malay ko sayo! Annulment lang hindi mo alam!" Sigaw sa kanga ni nine pabalik.

"Ikaw?alam mo ba ang annulment at rape?!" Balik naman ni benick kay nine.

"Hindi" mabilis na sagot ni nine bago Ngumiti. "Kidnapping at child trafficking lang alam ko eh" dagdag pa nya bago nag hihimas nang batok.


(--__--) Hay nako. Bakit koba nalimutan na mga loko nga ang mga to?!.

Mag sasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang Bell, Meaning ay oras na nang recess, Sympre hindi na ako nagulat, Mabilis na tumakbo ang mga loko palabas lalo na si milan na kanina lang ay halos sakalin na ako. (--__--)?.


Napabuntong hininga nalang ako bago tumingin kay clark na nasa harap ko padin. "Hoy, Nung nangyari sayo?" Tanong ko at halos matawa na.

"H-ha?" Natulala pa ang lalaki bago inayos ang magulong buhok, Halatang dinumok nang mga loko bago kumaripas nang takbo palabas. Umayos sya nang upo bago tumingin sakin. "Tara, kakain tayo---"

"Let's go"

Hala. Hindi natapos ni clark ang sasabihin nya nang biglang sumulpot si nicholas sa gilid ko at hinila ako patayo. Hay nako, Sinasaltik na ang isang to.

"Uy, Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang hawak nya ang braso ko, Nag lalakad kami sa hallway ngayon, Madaming tao kaya napag titingnan kami, tsk, pake ko sa inyo.

"Kakain" Simpleng sagot nya sakin.

Ay??.....Sige ^_^.


Nakarating kami sa canteen at agad kaming pinagtitinginan, Tinawag pa ako nina milan kaya kumaway lang ako dahil hila hila ako nitong Aliparot kong kasama. Nakita ko din si cloud at bellia na nakaupo sa iisang pwesto. Nakatingin sila sakin habang si bellia ay masama ang tingin, tusukin ko kaya to? Para tumino.

Nakarating kami sa bakanteng lamesa ay pinaupo agad ako ni Nicholas, malas lang talaga dahil nasa likod lang naman namin ang pwesto nina cloud pati ang ibang Section D.

Hindi ko alam kung bakit kapag pupunta kami nang canteen, May naaamoy talaga akong rambulang magaganap.

Pinagmasdan ko si nicholas pero kumunot ang noo ko nang wala sya sa harap ko. Nasan yun? Ngumuso ako bago tumingin sa paligid, nanikit ang mata ko nang makita sya sa counter habang nabili doon..akala ko iniwan ako dito eh!,


"Sila na ba?"

"Ewan ko?"

"Ha? Nakita ko sila ni kole sa dagat eh"

"Ganan talaga kapag malandi"

Hayan na naman sila, umiwas nalang ako nang tingin dahil sa inis, Kung ano ano ang sinasabi. Pangit naman sila, palibhasa maganda ako. Mukha silang mga aso. Sakto naman ay umupo na si nicholas sa harap ko habang may dalang dalawang tray nang pagkain.

"Why do you look like that? Are you okay?" Bungad na tanong sakin ni Nicholas. Nabigla ako nang hawakan nya ang noo ko at nilapit ang mukha nya sakin bago nag taas nang kilay.

*Tugtugtugtugtugtug*

Umiwas ako nang tingin."O-ok lang a-ako" Nauutal na sabi ko sa kanya.Hoy! Nauutal na naman eh!.

Tumango naman sya bago umayos nang upo, Nakatingin pa din sya sakin kaya hindi ako makatingin nang maayos. Tinulak nya yung dalawang tray sa harap ko bago nag salita.

"Kumain ka na, Hindi kapa kumakain kanina" nag tataray na sabi nya sakin.

Wow ha!.

"Opo" Ang taray ha! Tatay kita?tatay kita?!. Ngumuso ako bago kinuha yung kutsara at sumubo nang pagkain. "Bakit hindi mo niyaya sina kole at clark?,Oras na nang recess ah?" Curious na tanong ko.

Tumaas naman ang kilay nya."wala akong pake sa kanila, kaya naman nila kumain nang kanila ah!" Hayan na naman, nagtataray na naman. (--__--).

Tumaas din kilay ko. "Kaya ko din naman kumain ah, Bakit hinila mopa ako dito?" Pang balik kosa kanya. Kaya ko naman talaga!. Ako pa--.

"Hindi ba obvious Zen?i want to be alone..With you" medyo nauutal oa sya. "I just want to be together, just the two of us, so just..just eat there" Dagdag pa nya.

Gusto kong tumawa kaso seryoso yung mukha nya eh. Tumango nalang ako bago kumain ulit. Sya naman tong pinapanood lang ako,wala bang balak kumakain to?. Hayaan nyo na, Kulang pa nga sakin yung binili nya eh.

"Te amo"

Huh?. Napahinto ako sa pagkain bago tumingin sa kanya. Puno pa yung bibig ko kaya naman para akong hamsters na nakawala sa kulungan.
"Huh?" Tanong ko agad.

Umiling naman sya bago Ngumiti sakin, "Nothing, Just eat, Malapit na mag Time"

SUNSHINEWEB3178:)

HI GUYS PLEASE DON'T FORGET TO VOTE COMMENT AND FOLLOW THANKS EVERYONE 😁

ENJOY:)

Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now