Season 1: Episode 12

Start from the beginning
                                    

Recently nga, napabalitang muntik na siyang tumalon sa school building ng St. Chesterino State University. Mabuti na nga lang talaga at napigilan siya ng Paranormal Club ng University namin.

Ayokong magreklamo pero to be honest, nahihirapan na kami kay Ate Kharise. Hindi na namin siya makontrol kapag nawawala siya sa kanyang sarili.

Napatingnan na namin siya sa mga albularyo pero pare-pareho lang sila ng basa. Wala raw kung anong nakasapi kay Ate. Maaring ang lahat daw ng nangyari noong gabing iyon ay dala lang ng depression na nararanasan niya—na sinangayunan naman ng psychiatrist na nakausap namin.

Pero duda ako.

Duda talaga ako.

I witnessed it all.

Pang-sampung tao ang lakas ni Ate Kharise kapag nagwawala siya. Natunghayan ko rin kung papaano siya lumutang mula sa kama. Hindi iyon normal. Pati na rin ang kanyang boses, pabago-bago iyon na tila ba nagpapalit-palit siya ng katauhan.

"Tawagin mo na si Ate Kharise, Keira," nawala ako sa iniisip nang magsalita si Ate Kourine, ngayon ay katatapos lang kasi niyang magluto.

"Eh, ate baka kasi ano . . ."

Ayoko na talagang lumapit kay Ate Kharise magmula noong araw na iyon. Na-trauma na kasi ako noong minsang ako ang gumising sa kanya. Nawala na naman kasi siya sa kanyang sarili. Nagsisigaw siya. Tinapon niya lahat ng makita sa akin. Nagkasugat pa nga ako nang dahil sa kanya.

"Ano?" ang pagtataray ni Ate Kourine. "I fucking told you for God knows time, hindi ka dapat matakot kay Ate Kharise. Ate natin siya. She's just experiencing a series of mental problem. But beyond that? She's still a part of our family."

Tinalikuran niya ako bago binalik ang sarili sa paghanda ng pagkain. "Everything will be okay soon. All she needs is unconditional patience from us. At kung tayo pa mismong pamilya niya ang tatalikod sa kanya sa ganitong sitwasyon, sino pa ang susuporta sa kanya?"

"If it's not us, then who?" She heaved a deep sigh. "Sige na, puntahan mo na si Ate Kharise."

Napakamot na lang ako sa batok ko. Labag sa loob akong umakyat patungo sa kwarto ni Ate Kharise. May kilabot man sa katawan ay lumunok muna ako ng laway bago kumatok.

"Ate Kharise? Kakain na raw po."

Walang sumagot.

Kumatok uli ako. "Ate, 6:30 na. Male-late na tayo sa school."

Wala pa ring sumagot. Sa puntong iyon ay kinabahan na ako. Ganitong-ganito ang nangyari noong nakaraang isang araw. Pagbukas ko, bigla niya akong pinagbabato ng kung ano-ano. Gusto ko na tuloy bumaba pero hindi pwede. Tiyak na masesermonan lang ako ni Ate Kourine.

Isang malalim na buntonghinga ang ginawa ko. Wala akong choice kung hindi ang buksan at saluhin ang kung ano mang sasalubong sa akin sa loob ng kwarto ni Ate Kharise.

Binuksan ko na ang pinto.

Nang itulak ko ito ay matindi ang kabang bumabalot sa dibdib ko.

"Ate—"

Natigilan ako.

Nanlaki ang mga mata ko.

Si Ate Kharise . . . nakalutang ang mga paa niya. Maputla ang kanyang mukha.

At nakasabit ang kanyang ulo sa lubid. Bukas ang mga mata niya na tila ba nakakita ng nakakakilabot na bagay. Pero ang labi niya, nakangiti.

"Ate Kourine!" ang palahaw ko bago ako napahawak sa bibig ko.

Nanginig ang buong katawan ko. Nanlamig ako. Nanghina ang mga tuhod ko. Hanggang sa napaupo na lang ako sa sahig. Bumuhos ang mga luha ko habang patuloy na pinagmamasdan ang walang buhay na katawan ni Ate Kharise.

* * *

Dinala pa namin si Ate Kharise sa hospital noong araw na iyon. Umaasa pa kaming mare-revive pa siya. Pero hindi, she was declared dead on arrival. Ani mga Doctor, gabi pa raw ay patay na si Ate.

Ngayon ay nakaburol na siya sa bahay namin. Kami pa lang ni Ate Kourine ang tao sa bahay. Maaga pa kasi kaya wala pa ang mga nais makiramay sa amin.

Right now, I am staring at Ate Kharise. Sumisikip ang dibdib ko. Kumikirot ito. Bigla akong na-konsensiya sa mga araw na natakot ako sa kanya. Sa mga araw na dapat ay hindi ko inisip na iwan siya.

Ngayong wala na siya, paano pa ako makakabawi?

Ngayong hindi ko na uli siya makakausap, paano ko pa magagawa sa kanya ang mga bagay na dapat ay ginawa ko noong nabubuhay pa siya?

May kumawalang luha sa mga mata ko. I tried to swallow the lump growing on my throat. But obviously, I failed. "Sorry, Ate . . . Sorry . . ."

Pero bigla akong napatalon mula sa kinatatayuan nang may marinig akong nabasag mula sa itaas. Ate Kourine! Mabilis ang ginawa kong paghakbang paitaas ng hagdan.

Nang muli ko uli iyong marinig ay sigurado akong nanggaling iyon sa kwarto ni Ate Kharise.

"Ate!" I called for her. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kwarto na iyon.

Pero . . .

Pero bigla akong nanghina nang makita siya.

Ang Ate Kourine ko.

She's . . . She's levitating. Hanggang sa bigla na lang siyang gumapang sa pader. Nanlilisik ang mga mata niya sa akin nang akmang dadambahan niya ako!

Mabilis ang ginawa kong pagsara sa pinto. Ngayon ay malakas niyang binubuksan ito. Napaluha na lang ako sa takot.

Noong mga oras na iyon, wala akong ibang naisip na paraan kung hindi ang tawagan ang Paranormal Club. I need them. I fucking need them right now.

With one hand, I reached for my phone on my pocket and I dialed the Project Ghost Hotline . . .

Project Ghost HotlineWhere stories live. Discover now