Season 1: Episode 11

474 43 9
                                    

Part I

Keira Cuenco

Kupas na pintura at kalawang na bubong ang unang bumungad sa mga mata ko. Pinagsisihan ko tuloy na sumilip ako mula sa lagusan ng tricycle. Na-disappoint lang ako.

I secretly heaved a deep sigh.

New beginning for our family is not a good idea at all. Una pa lang, mukhang gusto ko na lang bumalik sa dati naming bahay.

"Welcome to our new home, mga anak!" ang sabi ni Mama. Ngiting-ngiti siya habang tinutulungan kaming ibaba ang mga gamit namin mula sa tricycle.

"Ma, sigurado ka ba talaga rito?" Ate Kharise mumbled. Right now, she is staring at the house with squinted eyes. Just like me, she appeared to be unsure about the happiness that our mother promised for our new home.

"Ano ka ba," ipinulupot ni Mama ang kanyang braso kay Ate Kharise, "alam kong hindi pa kaaya-aya ang hitsura ng bago nating bahay sa ngayon. Ipapa-renovate pa natin iyan. Relax ka lang!"

Mama is always true to her words. Ilang linggo nga lang ay natapos rin ang pagpapa-renovate namin sa bahay. Doon ko lang ito na-aapreciate. Ngayon ay nagmukha itong mansion sa panahon ng mga kastila. The intricate patterns of every edge of this house screams the internal design that is obviously influenced by the spaniards.

That moment, I really thought that everything will be finally fine. Lumipat kasi kami ng bahay para iwan ang malungkot na alaala sa dating bahay namin. Una, ang pagkawala ng ate namin at pangalawa, ang pagkamatay ni Papa sa kamay ng kanyang kumpare.

Akala ko talaga, dito na magtatapos lahat ng masamang naranasan ng pamilya namin. Like, we will move on. We will forget every shit from the past. We will look forward to the better future.

Pero hindi pala . . .

This house.

This house seems . . . cursed.

Makalipas ang isang taon, nagpasya si Mama na lumuwas sa ibang bansa para makipagsapalaran. Wala na siyang choice, eh. Kailangan na niyang kumita ng malaking pera. Tatlo na kasi kaming pinapaaral niya sa College. Kaya kahit ayaw namin, wala rin kaming choice. Kailangan namin ang tulong ni Mama.

Matapos lumipad ni Mama papunta sa Saudi Arabia, kaming tatlo na lang ng mga ate ko ang natira dito sa bahay. At first, normal lang naman. Malungkot dahil wala ang presence ni Mama. But everything turns creepy after that one night.

"Heard it too?" Ate Kourine asked. Kaming tatlo ay nasa sala, abalang nanonood ng paborito naming Korean Drama.

"What?" Kumunot ang noo ko. Pinause ko muna ang TV.

"Someone's knocking at the front door—" natigilan si Ate Kourine.

Dalawang pagkatok ang narinig namin mula sa pinto. Mabilis pero may diin. Yeah, someone's really knocking at our door. Pero sino kaya 'yon? It's already 12 in the midnight.

"Tara nga, i-check natin," Ate Kourine stood up. May pagkairita na mababakas sa kanyang mukha.

But I was too quick to stop her. "Wait Ate, gisingin muna kaya natin si Ate Kharise? Masama ang kinukutob ko, eh. Nakapagtaka kasing may kakatok sa pinto natin ng dis-oras ng gabi. Lalong-lalo pa na malayo naman ang bahay natin mula sa kabihasnan? Hindi ka ba nagtataka?"

Project Ghost HotlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon