Season 1: Episode 12

425 51 8
                                    

Part II

Keira Cuenco

Matindi ang ginawang pagdagundong ng puso ko. Kasabay ng paglunok ko ang dasal na sana, isang masamang panaginip lang ang lahat. Na sana, binabangungot lang ako.

Pero hindi.

Nang biglang sumigaw nang malakas si Ate Kharise, nawala ako sa gitna ng kilabot. Kasabay iyon ng pagbagsak ng kanyang katawan sa kama. Halos mapangiwi ako nang bumaluktot ang katawan ni Ate. Ang braso niya ay unti-unting namimilipit sa kanyang likod. Narinig ko ang pagtunog ng mga buto niya.

"Ate!" Ate Kourine franctically yelled. Lumapit siya kay Ate Kharise.
Sinubukan niya itong pigilan mula sa pamimilipit pero laking takot ko na lang nang bigla siyang itulak ni Ate.

Tumilapon si Ate Kourine sa pader. Isang matinding pagsigaw sa kirot ang ginawa niya.

"Ate, we should leave!" ani ko habang inaalalayan siya.

"No, hindi natin iiwan si Ate dito nang mag-isa! Ano ba?!" Haplos-haplos ni Ate Kourine ang kanyang balikat. "Tara, tulungan mo ako!"

Hinigit niya ako papunta kay Ate Kharise. Pareho naming hinawakan ang kanyang mga kamay. Pinigilan namin siya mula sa pamimilipit.

Pero . . .

Pero hindi normal ang lakas ni Ate Kharise ngayon. Sa isang paghawi niya lang ay tumilapon kami ni Ate Kourine sa pader. Para bang pang-sampung tao ang lakas niya. Wala na akong balak pang lapitan siya.

"Umalis na tayo, Ate!" Nagsimula na akong umiyak. Sobrang sakit ng pagtama ng likod ko sa pader. Para bang nabalian ako doon ng buto.

"Hindi," kunot ang noo, lumapit muli si Ate Kourine kay Ate Kharise, "we can never leave her here alone! She needs us—"

Namatay ang ilaw.

Halos mawalan ako ng hangin sa mga baga sa pagkabigla.

Dahil sarado ang bintana, wala akong nakita kung hindi ang kadiliman. Maski liwanag sa labas ng bintana ay wala akong naaninag.

"Keira, you got your cell phone with you?" Ate Kourine asked. Pareho kaming nangangapa sa nakakabinging katahimikan.

"Y-Yes . . ."

"Turn your flash light on," isang malakas na buntongbininga ang kanyang pinakawalan, "now."

Nanginginig ang mga kamay, inabot ko ang cell phone ko. Halos mabitawan ko pa nga ito nang buksan ko ang flash light. Halata ang panginginig ko nang ilibot ko na ang ilaw ng cell phone ko sa buong kwarto. At muntik ko na itong mabitawan nang makita ko na si Ate Kharise.

"Ate!" Ang pag-iyak ko.

Sa ceiling fan, may nakasabit na lubid. Ngayon, akmang ilulusot na ni Ate Kharise ang ulo niya sa pabilog na dulo niyon.

"Fuck!" Pero mabuti na lang, nandoon si Ate Kourine. Agad niyang nahila ang kamay ni Ate dahilan para pareho silang bumagsak sa kama.

Matapos niyon ay biglang bumukas ang mga ilaw. Kasabay din niyon ang pagbukas ng mga bintana at tila ba pagpasok ng malamig na hangin sa buong kwarto. Nakita kong nakahandusay sa kama si Ate Kharise, pilit siyang ginigising ni Ate Kourine.

Napaupo na lang ako sa sahig.

Natulala ako.

Naligaw ako sa lakas ng tibok ng puso ko dahil sa tinding kilabot na namamayani sa sistema ko.

* * *

Matapos ang araw na iyon, hindi na naging maayos pa ang kalagayan ni Ate Kharise. Nandiyan iyong madalas na nawawala siya sa sarili. Para ba siyang sinasapian. Iyong para bang nahihibang na siya. Parang laging gusto niyang magpakamatay.

Project Ghost HotlineWhere stories live. Discover now