Season 1: Episode 2

598 64 2
                                    

Pochollo Ong's Story

It was probably three o'clock in the morning when I woke up from my sleep. Kusa akong nanlamig sa hindi malamang dahilan. Madilim ang buong kwarto. Ako lang ang tao sa boarding house ko.

Pero bakit . . . bakit parang hindi lang ako nag-iisa rito?

Ramdam kong para bang may taong nagmamasid sa akin. Malakas ang pakiramdam kong may mga matang nakatingin sa akin ngayon.

Wala sa sarili kong binuksan ang lampshade sa tabi ko. Tumataas ang balahibo ko. Tila ba rin kumakapal ang batok ko sa hindi malamang dahilan. Doon ay dali-dali kong sinuot ang eye glass para makita nang malinaw ang buong paligid.

Walang tao.

Wala kahit na ano kung hindi ako at ang tahimik na apat na sulok ng kwarto ko.

Napalunok na lang ako. At doon ko lang napagtanto na kanina ko pa pala pinipigilan ang hininga ko. Bumuga ako ng malalim na hininga. Pilit na pinakalma ang sarili. Matapos ay napasapo ako sa noo ko.

Guni-guni na naman.

Ilang linggo ko na itong pinagdudusahan. Palagi akong napupuyat nang dahil dito. Nakakainis na kahit anong gawin ko, kusa akong nagigising tuwing eksaktong sasapit ang alas-tres ng madaling araw. Paulit-ulit kong nararamdaman ang kakaibang presensya sa kwarto ko. Hindi ko maipaliwanag ang kilabot na nararamdaman ko. Bagay na iba sa akin dahil hindi naman ako matatakutin na tao, eh.

Ikinunsulta ko na ito sa mga Doctor pero anila, may insomnia raw ako. Niresetahan nila ako ng ilang sleeping pills pero wala pa ring epekto iyon. Gan'on pa rin. Araw-araw pa rin akong nagigising tuwing alas-tres ng madaling araw.

Nagbuntong-hininga ako nang tumayo na ako mula sa kama. Kulang ang tulog. Masakit ang ulo. Pinili ko na lang na magpunta sa sala para asikasuhin ang lesson plan ko.

* * *

Maalinsangan ang panahon nang marating ko na ang classroom ng BSECON 2-4. Kulang kasi ang electric fan dito. Dahil nasa State University kami, wala kaming karapatang magreklamo. Ang taong bayan ang sumasagot sa budget ng University. Nakasemento na sa mga estudyante rito ang ideyang they have to be excellent whatever the circumstances are because they are basically here to just study for the community.

"Good afternoon class," I started with wiping the sweat on my forehead.

"Good afternoon, Sir," ang magalang na sagot naman ng buong klase.

"Ang hot mo talaga, Sir, kapag pinapawisan! Sir, ako na lang po! Ako na lang ulit—ulit? Huy hindi magiging Bea Alonzo!" Ang pabirong patutyada naman ni Kelvin, ang LGBT student na nasa front row. Naiiling na lang akong tinawanan siya habang ang buong klase ay tinutukso kami.

At katulad ng nakasanayan, sinisimulan ko ang klase sa attendance. Isa-isa ko na silang tinawag. May ibang nagsasalita ng present, ang mga mahiyain naman ay nagtataas na lang ng kamay. Hindi ko na ininda pa iyon dahil dama ko sila, ganoon rin naman ako noong College student pa lang ako eh. Ewan ko ba, bakit kinakahiya ko dati ang pagsigaw ng present.

"Franco Balagtas," I mumbled.

No one answers. Wala ring nagtaas ng kamay. Akmang sasabihin ko na sana ang sumunod sa kanya nang mapansin kong marami nang X sa record ang student na ito. Tatlong magkasunod na beses lang siyang dumalo sa klase ko. Matapos niyon ay wala na. Dahil marami ang section na hinahawakan ko ay hindi ko ito napansin. And I am not even familiar with this student. Mahina akong magkabisado ng pangalan at mukha. Liban na lang talaga kung top student siya.

Project Ghost HotlineWhere stories live. Discover now