Season 1: Episode 6

454 54 8
                                    

Kinahapunan, umuwi na muna kami sa kanya-kanyang bahay. Ani Maru, magkita-kita na lang daw kami sa likod ng University kapag alas-siete na ng gabi.

And right now, I am in the middle of the grass field of our University. Kanina ko pa hinihintay ang dalawang gunggong. Nakaupo ako sa sanga ng punong mangga. Walang ilaw kung hindi ang buwan. Wala rin akong kasama kung hindi ang nakakairitang multo na walang ginawa kung hindi ang sundan ako nang sundan.

I directed my poker face at her. Nanatili lang naman siyang nakatayo sa harap ko. Lumulutang siya. Walang emosyon ang kanyang duguan at naaagnas na mukha. Mabuti na lang talaga at hindi siya nagpakita sa akin nung kumain ako kanina. Taena, dinuguan pa naman ang ulam namin.

Katulad ni Franco ang multo na ito. Pinipili lang niya kung saan at kanino siya nagpapakita. Even Maru can't see her. Ako lang talaga ang nakakakita sa kanya. And the reason for it is still unknown. Well, I have no time to decipher her shits. Maagnas siya diyan, hayop siya.

"Boo!" Biglang sigaw ni Codi mula sa ibaba ng puno.

Doon ay naka-poker face ko siyang pinukol ng tingin, "booboo ka?"

"Gago ka talaga." Bigla siyang sumimangot na naging dahilan ng pagtawa ni Maru mula sa kanyang likuran.

Bumaba na ako sa puno. Kasabay niyon ang pagkawala ng babaeng multo. Weird talaga ng bulok na 'yon.

"Kanina ka pa rito, 'tol?" Maru asked which only earned him a scowl from me. "Right, sabi ko nga. Pasensya. Pasenya."

"Ang usapan, alas-siete ng gabi. Anong pinagkapareho ng alas-siete sa alas-nuebe? Gago kayo, ha. Ano?" I focused my gaze at Codi.

"Oh, tangina. Ba't ako na naman?"

"Ganda mo kase," I joked and I don't fucking know why I did it.

May ilang segundo siyang natigilan. Matapos ay sumimangot uli siya. "Tangina mo."

"Ayie! Barbielat, barbielat, barbie, barbie, barbie, barbielat!" Maru mumbled while giving me an obnoxious smile.

"Asawa mo si Jam Magno," sambit ko sa kanya.

"Hayop ka talaga!" Paghalakhak naman niya.

"Puro ka kagaguhan." Maski ako, tawang-tawa. Isa talagang basher ng DDS itong si Maru. Napaka-leftist ng gagong iyan.

"Ina kayo, ang sama niyo kay Jam Magno." Codi is not happy. Isa kasi siyang DDS kaya't lagi silang nagkakasalubong ni Maru pagdating sa politika.

Well me, I am neutral. Kung may ginawang maganda ang gobyerno, then good for them. Tahimik lang ako. Gan'on rin kapag may katangahan silang pinairal. Hassle kasing magkaroon ng pakialam sa bansang ito. I am just too lazy to care. Kahit ano naman kasing mangyari—kahit sino pang paupuin, walang progreso. Puro pag-asa, walang realidad.

Ilang saglit pa ang lumipas ay nagsimula na kaming umakyat sa bakod ng school. Wala naman kasing bantay dito. Walang makakahuli sa amin at saka liblib na lugar kasi ito ng University, paniguradong kikilabutan ang sino mang gwardiya na maa-assign dito.

Nang makatalon na kami pababa ng bakod ay natagpuan namin ang mga sarili sa farm ng University. Dito matatagpuan ang mga tupa, kabayo, at baka. Sila ang pinag-aaralan ng mga estudyante sa Animal Science subjects.

Kasunod lang nito ang mga inabandona nang building ng University. Kasama dito ang AnSci building. For what I have researched, lumipat sila ng lugar para mapalapit sila sa mga school buildings na related sa kanilang course.

"Mga 'tol, heto na 'yon." Maru stopped the moment we saw the gigantic label of Animal Science Building. Tinuturo niya ang kanyang flash light doon.

This building looks so creepy. Bukod sa may malalaking puno kasi ang makikita sa bawat gilid nito, basag-basag na rin ang mga salamin ng bintana. Idagdag pa rito ang timing na pag-alulong ng ligaw na mga aso.

Project Ghost HotlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon