Chapter 78: "Smoke Infiltration"

Magsimula sa umpisa
                                    

I put my hands inside my pockets. "Kahit ano pa man ang mangyari, hindi rason ang dating mga kakampi natin na hadlangan ang hangarin nating iligtas si Orikia sa kanila."

His eyebrows knitted. "Kung saka-sakali mang, tayo ang manalo rito at makuha natin si Nekuma sa kamay ng mga 'yon, ano namang susunod na gagawin mo?"

Natahimik ako saglit sa sunod na tanong nya.

"Tanging buhay lamang ni Orikia ang dapat nating tapusin para makaalis tayo sa mundong ito, hindi ba? Sabihin mo, magagawa mo ba talagang iligtas ang lahat at gawin ang bagay na 'yon?"

I still couldn't answer his question and looking away was the only thing I can do right now. I can still feel his stare on me kaya't hindi ko sya magawang tingnan pabalik.

"Kapag hindi mo ginawa ang bagay na 'yon, ako ang--"

"Hindi mo na kailangang ulit-ulitin pa sa 'kin ang bagay na 'yan." I cut his words short. Sabay alis mula sa tabi nya. "Kung iniisip mong mahina ako nagkakamali ka. Gagawin ko ang nararapat. Karapatan kong magdesisyon kung ano ang gagawin ko kay Nekuma dahil ako ang master nya."

Pansin ko si Harmony sa tabi ng pintuan ng aking kwarto nang makabalik ako rito sa ibaba. Nakasandal sya sa handrail at tila walang emosyong nakatingin sa sahig. Walang imik akong tinuloy lang ang paglalakad hanggang sa pihitin ko ang pinto't lumikha iyon ng ingay.

"Kung sakaling..." she suddenly said something and my movement stops as soon as she stops her words too.

I stared at her over my shoulder. "May gusto ka bang sabihin? Harmony?"

He blinked a few times before she hesitatedly looked directly into my eyes before she opened her mouth and answered. "Ah wala 'yon. 'Wag mo na lang akong pansinin. Magpahinga ka na lang muna, okay? Pasensya na." then weirdly, she smiled sweetly before waving goodbye.

What was that, actually?

Nakalimutan lang ba nya ang sasabihin nya o may gusto talaga syang sabihin pero hindi nya kayang ilabas? Kung importante man 'yon, wala syang dahilan para maglihim pa, pero dahil wala naman akong ideya, iisipin ko na lang na hindi 'yon gano'n kahalaga.

Tuluyan akong nagpahinga sa kwarto ko hanggang sa narinig ko na lang muli ang katok mula sa aking pintuan.

The moment na binuksan ko ang pinto, I saw Indominus again by the door front. "Kailangan mo itong makita." problemadong saad nya.

I ran up the deck and in just a matter of seconds I am at the top surface of the ship, doon ko namalayan ang napaka-itim na ulap sa kalangitan na mukhang nagbabadyang umulan anumang oras. But the clouds was not the real problem here, instead nang makita ko si Leonidas sa dati nitong pwesto, doon ko sya nilapitan at hindi na kailangan pang magtanong nang mapagmasdan ko ang lagpas sa sampung naglalakihang red ships, na nakaharang malapit sa daungan ng kontinente.

They're in one line, anchors already down the sea at maraming archers, and even beasts and players na nakahandang kumilos para sa isang long range attacks sa amin.

"Gaano tayo kalayo sa frontline nila?" aking daliang tanong.

Tumabi sa 'kin si Pheris. "Ilang minuto lang, maaabot na tayo ng attack range nila. Hindi tayo gano'n kalayo at patuloy pa tayong umaandar papalapit." sabi nito habang sinisilip ang mga barko mula sa kanyang spyglass.

"Kung gano'n bakit hindi tayo huminto?" akin namang saad. "Kailangan natin ng plano bago sumabak sa laban."

I glared sideway at Leonidas. But he only sighed. "Hindi na kailangan. Matatagalan bago tuluyang huminto ang barkong ito kung gano'n nga ang gagawin natin. Isa pa, hindi na natin ito dapat atrasan dahil nakita na nila tayo."

Nasa helm ngayon si Indominus. Napansin ko naman si Harmony sa gilid ni Pheris. "Itutuloy ba ang plano, captain?"

"Walang nagbago. Ituloy ang plano." matigas na sagot ni Leonidas. Nalito ako't palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.

"Teka. May plano? Anong klaseng plano?" parang hindi ko yata narinig na may plano pala kami?

"Tulog ka kasi kaya hindi mo alam." ani Leonidas kaya't nagkatinginan kami. "Pero 'wag kang mag-alala. Ang plano'y magiging matagumpay nang kami lang."

Did they already deemed me useless? Anong nangyayari?

"Nasa attack range na nila tayo." saad ni Pheris at mabilis na inilapat ang dalawang palad sa sahig ng barko.

Napansin kong ngumisi si Leonidas. "Harmony, simulan mo na."

"Okay!" she replied as she covered both hands with a powerful fire and sprayed it like a flamethrower at the sea infront of our running ship.

With the fire and water's reaction, it created a thick and wide fog that quickly covers our location from the enemy's sight in a single minute.

Kumalat pa ang usok sa paligid kaya't pati kami'y hindi na rin makita ang aming dinadaanan ngayon.

"Kaya mo bang panatilihing diretso ang takbo ng barko?" sigaw ni Leonidas kay Indominus.

"Ba't mo pa ba tinatanong?!"

"Mabuti!" sabay lingon nya kay Pheris. "Ikaw na ang bahala sa susunod na hakbang."

"Walang problema." nang masabi 'yon ni Pheris, biglang nagliwanag ang buong katawan nya't sa isang iglap, binalot ng healing power ang buong barko na tila isa itong energy shield para sa sinasakyan namin.

Hindi tumitigil si Harmony sa ginagawa nya't patuloy na kumakalat ang usok hanggang sa meron na ngang nagsimulang magbato ng mga fireballs at lightning strikes sa kahit saang direksyon. Nagbabakasakaling matamaan kami mula sa walang tigil na pagkalat ng usok sa paligid.

Creating such thick fog with only one person was hard enough to maintain in this type of situation. Pero para kay Harmony, hindi na yata bago pa sa kanya ang maglabas ng ganito kalakas na klase ng apoy. In a single blink, nakagawa na sya ng isang pambihirang bagay nang sya lang mag-isa.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Mmhh." she nodded while trying to maintain a tight lip and a knitted eyebrow while releasing such intense power from this long.

"You're doing good, Harmony. Keep it up." pagpapalakas ng loob na sambit ni Pheris sa kanya.

Nayanig ang barko nang sunod-sunod na giant fireballs ang tumama sa energy shield namin.

"Damn, looks like they already figured out we didn't changed our course." Pheris muttered.

"Indominus."

"Kuha ko!" sa simpleng sigaw lamang ni Leonidas alam na agad ni Indominus ang gagawin nya.

Ako lang talaga ang walang magawa sa mga sandaling ito.

Ilang beses na iniliko-liko ni Indominus ang barko pero hindi pa rin ito umiikot o bumabalik sa aming daan dahil pa-diretso pa rin kami. He's just trying to avoid the hunches of the attackers para maiwasan ang direct contacts sa mga atakeng 'yon.

Hanggang sa hindi katagalan, may nakabangga kaming isa sa frontliner ships. "Hezuya, pwede ka bang tumulong?" Leonidas said.

Tinakbo ko na ang edge rail ng barko't walang pag-aalinlangang tinalon ang kaunting distansya't nakatungtong sa red ship na 'yon. Sa wakas, may magagawa na rin akong maganda.

In just a matter of minutes, naubos ko lahat ng tao sa barkong 'yon. They couldn't even contact the other ships around them dahil sa sobrang kapal ng usok. Bumalik ako sa sariling barko't tahimik naming binaybay ang dagat palagpas sa iba pang mga barko hanggang sa kami'y nakarating sa mismong daungan nang walang kahirap-hirap.

All rights reserved © 2023 copyright grimmreaper18

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon