pero huli na nung itama ko 'yung pagsabi ko kanina dahil tumigil na 'yung jeep. humarap muna ako kay pao at magpapaalam sana kaso lang, kinuha nya na 'yung mga bags na hawak ko kanina at naunang bumaba.


agad akong bumaba, "Hoy! Balak mo bang nakawin 'yan?"

"sira." tumawa naman sya at tumigil sa paglalakad. Gosh, ang gwapo pala nito. "Asan 'yung bahay nyo?"

"You mean, my mansion?" ngumiti ako at naglakad na. sumunod naman sya sa akin.

"Akin na 'yung bags. Thank you ah!" sabi ko pero nilayo nya 'yon at nilagay sa likuran nya. "Hoy! Sinasabi ko na nga ba, may balak kang nakawin 'yan! kunin mo na lahat wag lang mga asawa ko!"


tumawa naman sya, ang saya saya talaga nyang tignan. alam mo 'yung batang binigyan ng lollipop? parang ganun lang sya kadaling patawanin pero hindi, mahirap.


"Clown ka talaga." sinamaan ko sya ng tingin. "Joke lang. oh eto na, alis na ako."

kumaway naman sya at tumalikod na sa akin. "Pao, ngiti ka lang lagi ah!"


natigilan naman sya saglit tapos naglakad na ulit. nagdoorbell na ako. mabilis naman 'yun buksan ni Diana.. na nakataas na ang kilay at nakalagay ang isang kamay sa bewang.


"Hehe, hi? andito na ako!" awkward kong sabi at kumawaykaway sa mukha nya. agad naman nya 'yong tinabig kaya napanguso nalang ako.

"Bakit ngayon ka lang?"

"eh kasi, inaantok na 'yung araw kaya mabilis syang lumubog.

"At nakikipaglokohan ka pa ah?"

"Nope! Close kami nung araw eh─Aray!"

namababatok bigla, huhu. "Pumasok ka na nga! Letse ka, pinag-aalala mo 'ko eh."

niyakap ko naman sya bigla, "Yie." sinamaan naman nya ako ng tingin, "Uhm, papasok nalang ito sa loob. Thank you!" pinahawak ko sakanya 'yung mga bags at tumakbo na papunta sa kusina.


nagugutom na ako eh.

pero bakit bumaba na rin kaya si pao kanina? magkapit-bahay lang ba kami?


"BWISIT KA TALAGA MIKA!"

"HINDI MO MAN LANG BA AKO BIBIGYAN NITONG MGA POSTERS?!"

napatawa nalang ako. Adik din kasi 'yun sa mga kpop eh.



- - -

Athena's POV

"Gusto mo nito, baby?"

"Masarap 'tong ice cream!"

"Eto naman!"

"Ryan, balak mo ba 'kong patabain? tama na muna, grabe busog na busog na 'ko!"


tinawanan nya lang ako. bwisit 'toh. Sinandal ko nalang 'yung ulo ko sa braso nya. inakbayan nya naman ako. Nandito kami sa Park, sa favorite spot namin na malapit sa malaking puno. Naglagay din kami ng blanket at dun umupo.

tinitignan namin 'yung stars. sabi nya, magdate daw kami. Sobrang saya ko nung nanalo kami, syempre wala kaming pasok ng 1 week.

at syempre, sobrang saya ko rin dahil kami na. Oo, di ko maitatago na gusto kong magrevenge sakanya. Pero, wala eh, mahal ko pa rin. kaya siguro gusto kong magrevenge dahil mahal ko pa, kasi kung hindi ko na sya mahal, ni katiting na pake ko sakanya dapat wala.


"Ang saya ko talaga dahil sakin ka na." napaangat ako ng magsalita sya, tumingin naman sya sa akin. "pero liligawan pa rin kita, kahit abutin pa habang buhay."

"I don't believe in promises."

"Im not saying na 'promise ko', kusa kong gagawin." inilapit naman nya ang labi nya sa noo ko.


*kring kring*

humiwalay na sya sakin, at kinuha ko naman sa pouch ko 'yung cellphone ko.


Kuya Calling...


"Bakit kuya?"

"Umuwi ka na."

"Why?"

"Why why-in mo mukha mo. Basta, umuwi ka na! Bilis!"

"Hoy! bakit b─"


Aba't! Binabaan ako?! Bwisit 'yun ah.


"Ano daw sabi?"

"Pinapauwi na ako ni Kuya." sabi ko at ngumuso. kinurot naman nya ang pisnge ko at tumayo na sya.

Inilahad nya sakin 'yung dalawang kamay nya, "Tara na. Hinahanap ka na nila."

kinuha ko iyon at inayos na namin ang blanket at sinabit sa puno. Wala naman sigurong kukuha nito. Saka kahit kuhanin pa nila, marami pa naman sa stores.

nagsimula na kaming maglakad at narating naman agad namin ang bahay. Nagdoorbell na ako at binuksan 'yon ni...


"Mommy?"


di nya ako sinagot, nakatingin lang sya kay Ryan na parang gulat na gulat. 'a williams.' bulong nya at hinila na ako papasok sa loob, at iniwan sa labas ang boyfriend ko..

The Nerd's Revenge ❘ ✔Where stories live. Discover now