"Hala!Nag iiyak si Zen!"

Hindi ko alam na umiiyak na pala ako, Bigla naman silang lumapit sakin bago isa isang pinunasan ang luha ko, Ang daming tanong, Para silang mga tanga!.


"Ok lang ako---"


"Tangina nyo eh! Sabi sa inyo ayaw ni zen nang expired! Yan umiiyak tuloy Ang bebe natin! Pinipilit nyo eh!" Sigaw nang isa sa kanila!.


"Kasalanan ni terry yan, Nag luto nang hotdog hilaw pa!" Sigaw naman nang isa bago tinuro si terry, Kaya ayan, Nag away na naman.

"Bimpo dali!!"

"Hoy kuha kayo tissue dyan!"

"Tahan na, tahan na, tutulog na ang bebe!!"

"Lagot tayo kay nicholas!!"

"Pati kay kole!! Huhuhu!"

"Sorry" panimula ko sa kanila, Natigilan naman sila bago tumingin sakin, Napa hikbi tuloy ako. "Perwisyo na ata ako sa i-inyo...H-hindi ko naman sinasadya na--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang yakapin ako ni nine.



"Shh, Ano kaba, Hindi ka perwisyo samin, Ok lang kami zen" ngumiti sya sakin bago humiwalay, Suminghot naman ako. "Kahit hindi mo na kami pansinin,Kahit wala kanang pake samin, Kahit magalit ka samin..Nandito pa din kami, Hindi kami mag sasawa pag lingkuran ka....Reyna ka namin eh!" Sabi nya kaya sumang ayon naman ang mga kasama ko.


"Oo nga zen, Kahit araw arawin ka nang dalaw mo, Nandito kami para mag bigay nang chocolate!...Sila na bahala sa napkin mo!" Sabi ni terry at malakas na tumawa, Napanguso naman ako dahilan para batukan sya nang mga loko.


"Hatdog ka!"

"Umayos ka nga!"


"H-hindi...Hindi ako galit sa inyo..Madami lang talaga akong iniisip" pag amin ko sa kanila, Oo, May galit ako pero nawawala din yun kasi pamilya na turing ko sa kanila, Hindi tulad noong nasa dati akong school, Walang ganto,Puro sakit lang nararamdaman ko. "Sorry sa mga nagagawa kong hindi maganda.. Madami lang talagang nangyayari"


"Nandito naman kami para makinig,Ang dami namin oh!,Alam kong ako lang ang gwapo at maasahan dito pero mag pakinabang naman yang mga yan!"
Mahangin sabi ni nine kaya nakarinig sya nang side comments.


"Kapal mo ah!!"

"Umuwi ka nalang, dami mong sinasabi!"

"Cignal number #10 na ata tayo dito!"

"Hindi na bagyo to, Ipo-ipo na yan!"



Malakas naman akong tumawa kaya natawa na din sila. Pare pareho lang kaming Huminto nang may mag salita sa pinto.



"Anong meron?" Tanong ni nicholas, Kasama si milan at kole sa likod.... Napatingin ako sa gilid nang makita ko si.......


"Clark!?" Gulat na gulat kong tawag, Napatingin ang lahat sa kanya, Hala! Anong meron? Bakit nandito ang lalaking to?.


"Hi Zen" bati nya sakin kaya nag palit palit ang tingin nila sa aming dalawa.

"You know each other?" Tanong ni kole sa aming dalawa at naka kunot ang noo.

Hala!! Bakit nandito to???.

"Of course, Sya yung sinasabi ko sa inyong sinusundan ko minsan..." Mahinang tumawa ni clark. "Tristan has already told me about her,The only girl in our Section, Tristan told me a lot about what you do" paliwanag nya.

Napatingin naman ako kay Tristan na malawak na Nakangiti, Lumapit sya kay clark bago nakipag apir ang lalaki...Hindi naman ako nakaligtas sa tingin nang dalawang Aliparot sakin, Naka taas ang kilay, Alam kong nakita na ni Nicholas si Clark nung nasa dagat kami, pero halatang naiinis pa din sya.

"Bakit hindi mo sinasabi samin na nakikipag kita ka sa kanya?" Tanong sakin ni kole.

Napahimas naman ako nang batok ko,
"N-nag tanong ba kayo?" Pabalang kong sagot kaya pare parehas silang napasapo nang noo.

"Sinabi ko sa kanya na wag sabihin sa inyo" pag tatanggol sakin ni clark, nang tingnan ko sya ay ngumiti sya sakin,. Nakasuot sya nang uniform, may dalang bag at naka salamin,ibig sabihin loko din ang isang to. Nalimutan ko bang sinabi nya saking kasama sya sa Section A? Sa section namin?, Ang alam ko kasi Kaibigan nya sina Nicholas at kole eh.

Sa totoo nan parang pamilyar yung mga pangalan nila sakin. Pero hinayaan ko nalang.

"Bakit namumula ang mata mo zen?..Para kang umiyak?" Biglang lumapit sakin si kole bago hinawakan ang pisngi ko, Bigla naman akong namula nang ilapit nya ang mukha nya sakin para makita nya ang mga mata ko!.


Naalala ko yung sa dagat!!!.

Dahil sa gulat ay bigla kong natabig yung kamay nya kaya nagulat sya sa ginawa ko. "O-ok na!..Oo!, Ok lang ako,H-hindi ako umiyak no haha" Sabi ko pa bago mahinang tumawa, Para akong tanga, Grabe.

"Ahh,O-ok" sabi nya bago nag pilit na ngiti at umalis sa harap ko.

Lintik naman oh! Bakit ganto?.....Halatang wala namang pake alam ang iba dahil nag aaway sila sa niluto daw na hotdog ni terry...Hindi Hindi ako nakaligtas sa tingin ni Nicholas sakin.

Para bang may gusto syang sabihin, Seryoso ang mukha nya habang nakatingin sa kin. Para bang may hindi sya nagustuhan makita.

SUNSHINEWEB 3178:)

HI GUYS PLEASE DON'T FORGET TO VOTE COMMENT AND FOLLOW THANKS EVERYONE 😊

ENJOY:)

Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now