Loving you (2)

Start bij het begin
                                    

"Edi wag kana manuod Rhian kung natatakot ka." Sabi naman ni Chynna na natatawa tawa pa din.

"Maganda na yung story e. Gusto na ding tapus--AHHHHHHHHH!!! OH MY GOD!!!"

Natawa naman si Glaiza sa kakyutan ni Rhian. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang tili na ni Rhian to.


Nabigla naman siya nang tumayo bigla si Rhian. "Teka lang. Magccr lang ako. I-pause mo muna lablab." Tapos umalis na ito at pumunta sa banyo.

Napangiti naman si Glaiza.


At di naman yun nawala sa paningin ni Kap Chynna.

"Kinikilig ka nanaman no?"

Napatingin naman si Glaiza kay Chynna. "Tapos ano? Mang-aasar ka nanaman?"

"Yung totoo na kasi? Ang obvious na pero gusto kong manggaling mismo sayo." Ngumiti ito ng nakakaloko.

Glaiza exhaled, "Hindi naman masamang kiligin diba?"

"Edi totoo na nga yung nararamdaman mo? Oh noooo. Glaiza, naconvert ka ni Rhian?!"

"Shhhh! Ano kaba. Kinikilig lang ako na-convert na agad? Ikaw talaga."

Napangiti naman si Chynna. Magsasalita pa sana siya pero nagulat sila dahil biglang nag-black out. Nawalan ata ng kuryente dahil sa lakas ng ulan.


"GUYS!!!!! YUNG ILAW!! OH MY GOD!!!"


Narinig naman nilang parang biglang nagpanic si Rhian sa loob ng banyo.

Napatayo naman si Glaiza. Totally black out talaga. Wala siyang makita. Kinakapa niya yung phone niya pero nalimutan niya kung san niya ito nailapag.

Tumayo na din si Chynna at kinapa sa lamesa yung phone na ginagamit lang niya kanina pero di rin niya ito makapa.

"Glaiza.....Nasan ka?" Kinakapa naman ni Chynna yung dinadaanan niya dahil wala talagang makita. Sobrang dilim.

"Nandito ako.. Pupuntahan ko lang si Rhian sa banyo. Baka magwala yun dun... Baka isipin nun yung mga napanuod niya sa Horror Movie. Mapaparanoid yun." Nag-start na ring mangapa si Glaiza.

"Oh sige. Ako naman pupunta sa kusina. May mga kandila kaba dito?"

"Oo. Nasa cabinet. Nandun yun malapit sa fridge."

"Sigesige."


At nagstart na nga silang magkapaan kung san sila pwedeng dumaan. Talagang black out kung black out. Wala talagang makita kahit maliit lang na liwanag.


"God God God... Paano ba to.. Nasan na ba ko... Feeling ko may nakatingin sakin.. O baka dahil lang to sa Movie kanina? Aahhhh.. No no no." Nagpapanic naman na si Rhian habang nangangapa din. Nakalabas na siya ng banyo at hindi niya alam kung nasang lupalop na siya ng condo ni Glaiza napadpad. "Jeez! Bakit kasi nawalan ng-- OUCH!!! What the hell. Ouch." Napakagat naman siya sa labi niya sa sakit nang maramdamang may nabundol yung paa niya. "Arayyy. This is not good. I hate you Meralco! Ughhh!!!" Napaupo siya at hinawakan yung masakit na paa niya.


"Rhian? Nasan ka Rhian?"


Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Rhian nang marinig yung boses ni Glaiza. Napatayo siya kahit medyo masakit pa din yung paa niya.

RASTRO FEELSWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu